top of page
Search

UV Express, bawal pa ring bumiyahe — DOTr

V. Reyes​

Hindi matutuloy ang pagbiyahe ng mga UV Express unit ngayong araw dahil hindi pa napaplantsa ng Department of Transportation (DOTr) ang mga ruta na tatakbuhan nito.

Ito ang kinumpirma ni DOTR road sector consultant Alberto Suansing sa gitna ng inaasahan sana ng mga UV express na makakapamasada na bagamat umiiral pa rin ang general community quarantine sa Metro Manila.

Kasabay nito, sinabi ni Suansing na itinutulak na gawing point-to-point na ang ibig sabihin ay hindi kung saan-saan magbababa at magsasakay ang mga UV express.

Samantala, tuloy naman ang pag-arangkada ng mga modernong jeep ngayong Lunes.

Nauna nang inianunsiyo ng DOTr na tinatayang 3,600 bus at 1,500 modernong jeep at UV express ang papayagan sa may 31 ruta sa Metro Manila.

Ngunit paglilinaw ni Suansing, hindi pa rin pupuwedeng magbiyahe ang mga traditional jeepney dahil patuloy na pinag-aaralan ang magiging ruta nito.

Nakasalang din sa deliberasyon ng Inter-Agency Task Force kung pahihintulutan na ang angkas sa mga motorsiklo.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page