Dear Doc. Shane,
Ako ay binata pero may GF ako at mahigit limang taon na kaming nagsasama. May ilang katanungan lamang ako tungkol sa aking semilya. Ano ba ang gagawin ko para mapalapot ang aking semilya kasi kung minsan ay malabnaw ito? Normal lang ba ‘yun? – Anton
Sagot
Ang pagiging malapot o malabaw ng semilya ng lalaki ay nakadepende sa ilang mga bagay. Halimbawa, kung kulang ka sa tubig, maaaring maging malapot ang iyong semilya.
Ang pagkakaroon ng impeksiyon sa prostata o prostate gland at pag-inom ng ilang uri ng gamot ay posible ring magpalapot ng semilya.
Kung walang problema sa pag-inom ng tubig, ngunit madalas ang pagpapalabas ng semilya, maaari rin itong maging malabnaw. Nagbabago ang lapot o labnaw ng semilya depende sa mga bagay na ito at karaniwa’y hindi ito dapat ikabahala.
Dagdag pa, ang semilya ng lalaki ay sadyang malabnaw sa unang limang minuto pagkatapos itong ipalabas at nagiging malabnaw na pagkatapos — ito ay normal rin.
Ano’ng gamot sa malabnaw na tamod o semilya?
Ang pagiging malabnaw ng tamod ay kadalasang normal lamang. Ito ay indikasyon na normal ang antas ng tubig (hydration) sa iyong katawan. Isa pa, ang madalas na pag-masturbate o pakikipag-sex ay puwedeng maging sanhi ng pagiging malabnaw ng semilya.
Ito ay dahil hindi nabibigyan ng sapat na oras ang iyong katawan na mabuo ang semilya na may tamang lapot. Tandaan na normal lang na nag-iiba ang lapot o labnaw ng semilya at kalimitan wala naman itong masamang kahulugan sa iyong kalusugan.