Anak, pangit daw kaya 'di seseryosohin ng lalaki, ire-rape lang… SEN. KIKO, PINALAGAN ANG NAGBAN
- Vinia Vivar
- Jun 16, 2020
- 3 min read

Hindi pinalampas ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang tweet ng isang netizen na tila nagbabanta ng pangre-rape sa panganay niyang anak na si Frankie Pangilinan.
Tweet ng netizen na may user name na Ariel Valdez, “Open naman pala ang culture ni Kakie sa rape, baka nga bubukaka pa 'yan. Rape lang talaga mangyayari sa 'yo, Kakie, dahil walang totoong lalaki by culture ang nagkakagusto sa PANGIT!”
Ini-repost ni Sen. Kiko ang nasabing tweet kasabay ang pakiusap sa mga netizens na i-report ang account ng Twitter user.
“Pakiusap lang kung maaari paki-report itong account ni Ariel Valdez. Ang pananakot at banta ng pananakit o panggagahasa ay hindi maaaring palampasin. Pls report @ArielVa92465334,” ang caption ni Sen. Kiko.
Mabilis namang umaksiyon ang mga followers ng senator husband ni Sharon Cuneta at ini-report nila ang account.
Sa ngayon ay burado na ang nasabing tweet sa account nitong certain Ariel Valdez.
Nagsimulang ma-engage si Kakie (nickname ni Frankie) nang mag-react siya last June 13 sa isang artikulo about a police station in Quezon province na nag-post sa Facebook advising girls na huwag magsuot nang maiigsi.
“Kayo naman mga ghErlsz, 'wag kayo magsuot ng pagkaikli-ikling damit at 'pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin,” ang nakasaad sa artikulo na sinabi diumano ng police station sa Quezon province pero burado na raw ngayon.
Ini-repost ni Frankie ang nasabing link ng artikulo at sa caption, she wrote, “STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.”
Sinagot naman ito ng beteranong broadcaster na si Ben Tulfo. Pahayag niya sa kanyang tweet, “Hija @kakiep83, a rapist or a juvenile sex offender's desire to commit a crime will always be there. All they need is an opportunity, when to commit the crime. Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.”
Sumagot naman si Frankie ng “Rape culture is real and a product of this precise line of thinking, where the behavior is normalized, particularly by men. - the way anyone dresses should not be deemed as ‘opportunity’ to sexually assault them. ever. - calling me hija will not belittle my point.”
Bukod dito ay nag-post din si Ben sa kanyang Bitag Live Facebook account na tila mensahe kay Frankie.
“THE WANNABE SMART ALECK (Batang-bata ka pa para malaman mo ang mundo)
“Hija, iba mag-isip ang mga manyakis at mga rapists. Hindi natin sila matuturuan at mababago ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal.
“Ang tanging magagawa ay manamit nang tama. Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito ang iyong magagawa.
“Bago natin sila baguhin, baguhin muna natin ang sarili't pag-iisip natin. Gets mo Hija?
“Tatay mo ang author ng Juvenile Law,” ang saad ni Ben sa kanyang post.
Bilang suporta sa anak ay ini-repost naman ni Sen. Kiko ang sagot ni Frankie kay Ben.
“Ngayon alam ko na ang naging pakiramdam ng tatay ko nu'ng isa akong nagmamartsa, nakikibaka at lumalaban na lider estudyante sa UP Diliman nu'ng ‘80s nu'ng panahon ng diktadura.
“Pasensiya na, Daddy, ikaw din ang nagturo sa akin na mahalaga ang pagiging lider nu'ng bata pa ako,” pahayag ni Sen. Kiko.
Mukhang hindi naman natakot si Kakie sa banta ng rape sa kanya at matapang niya rin itong sinagot.
“Threatening to r*pe me or hoping I’m r*ped in order to somehow justify that victims are to blame — that’s the real brain cell gap right there lmaooo,” tweet ni Kakie.
Marami naman ang sumuporta kina Sen. Kiko and Kakie lalo na nga ang mga kababaihan at binatikos nila si Ben sa mga naging pahayag nito.