top of page
Search

Senior citizen, puwede sa dine-in restaurants — DTI

BRT

Pinapayagan na ang mga senior citizens o mga edad 60 pataas na makakain sa mga dine-in establishments.

Sa panayam kay Trade Sec. Ramon Lopez, bagama’t hinikayat ang mga nakatatanda na manatili sa bahay dahil maituturing silang pinaka-vulnerable sa COVID-19, pinapayagan naman sila ng gobyerno na makalabas para sa mahahalagang lakad.

Matatandaang noong nakaraang buwan nang payagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang mga senior citizens na lumabas para magtrabaho sa mga awtorisadong sektor at bumili ng essential goods.

Una nang pinayagan ng IATF na bumalik ang dine-in services sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula Hunyo 15 pero limitado sa 30 percent operating capacity.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page