top of page
Search
Nympha

Katangiang taglay ng Pinoy para maging makabayan

Kapag sinabing makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa at mahal mo ang iyong bayan at kapwa Pinoy. Kahit nasa ibang bansa ka pa napadpad, dama mo na nasa puso mo ang iyong bansa.

Kapag makabayan ka, ikinararangal at nirerespeto mo ang iyong bansa. Karapatan mo na mamintas o mamuna ng mga kalokohan ng mga lider sa gobyerno kung salungat na sa adhikain ng bayan ang ginagawa.

  1. IRESPETO ANG KARANGALANG NATATAMO NG BANSA. Bilang makabayan, dapat kang sumunod sa batas at kung kailangang magbigay ng opinyon, magpahayag ka. Gagawa ka ng paraan na magbubukas sa isipan at opinyon na hindi mo sisirain ang bansa. Rerespetuhin mo ang ideya at layunin ng kapwa. Iginagalang mo ang naglilingkod para sa bayan, una na r’yan ang medical frontliners ngayong pandemic, ang mga manggagagawa ng gobyerno, overseas workers dahil sila ang mga dedicated na indibidwal para mapaayos ang takbo ng bansa. Sila man ay sundalo, pulis, mambabatas, nagtatrabaho sila para sa bansa.

  2. PAGMAMAHAL SA BANSA. Kung hindi mo mahal ang bansa, wala kang respeto at paggalang. Marunong kang dumepensa o magtanggol sa kapwa Pilipino kapag may pagmamahal ka sa bansa.

  3. TAGLAY ANG KATAPATAN. Kung makabayan ka, tapat ka sa iyong bansa. Hindi ka gagawa ng anumang bagay na ikasasama ng bansa o ikapapahamak ng iyong kababayan. Hindi ka magpapakalat ng anumang kasinungalingan o magbubunyag ng anumang lihim ng iyong bansa at itatangi mo ang iyong bansa sa abot ng iyong makakaya. Taglayin mo ang ugaling sundalo na gagawin ang lahat para madepensahan ang bansa laban sa masasamang impluwensiya o mapanakop na ibang lahi. ‘Yung simpleng maipagtanggol mo ang iyong kapitbahay at makatulong ka sa magandang paraan ay may katapatan ka sa inyong lugar.

  4. ANG PAGSUNOD SA BATAS. Isang bagay ito na masasabing mabuti kang mamamayan. ‘Yun ang mga batas na sinang-ayunan ng marami habang may kalayaan at seguridad sa bayan. Dito sa ating bansa, masyadong maraming lumalabag sa batas. Sundin naman natin ito upang umayos ang lagay natin sa buhay. Basta't malinaw na kapag ikaw ay tunay na Pilipino, naaawit mo nang maayos ang Lupang Hinirang, ang kanang kamay ay nasa dibdib, nabibigkas ang Panatang Makabayan nang buo at tama ang pagsaludo sa bandila. Simbolo ka ng isang makabayan at hindi tuta ng anumang political party o ideolohiya.

  5. KARAPATANG BUMOTO. Ginagamit mo ang karapatang bumoto. Kuwalipikado ang isang Pinoy sa pagbibigay atensiyon at pulitikal na argumento.

  6. MALAYA ANG PAMAMAHAYAG. Ang kalayaang magpahayag ay napakahalaga sa mga manunulat ng Konstitusyon bilang bahagi ng unang inamyendahang batas mula nang bumagsak ang diktadurya. Ang kalayaang magsalita laban sa mga lider na tiwali at para sa ikabubuti ng mayorya ay hindi lamang bahagi ng mabuting mamamayan, napakahalaga na matiyak na umiiral ang demokrasya.

  7. NAKAKATULONG. Dapat manguna ka sa pagtulong sa kapwa kahit nakakalimot ang gobyerno na gawin ito. Ang mabuting mamamayan ay nagdo-donate ng mga necessities at pagkain sa mga charities o simbahan. Ginagamit ang libreng oras para makatulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad. Dito mo rin dapat ipakita ang prebilehiyo o maging sundalo o frontliners na magbuwis ng buhay upang maipatanggol ang bansa at mga kababayan laban sa mga mananakop.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page