
Naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) at tinawag itong Tropical Depression Butchoy na huling namataan sa bahagi ng Daet, Camarines Norte.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), taglay ng bagyong Butchoy ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras at pagbugsong 55 kilometro kada oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Sa ipinalabas na severe weather bulletin ng alas-5:00 ng hapon, itinaas na ng Pagasa ang Tropical Cyclone Wind Signal 1 sa Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, southern portion ng Aurora (Dingalan, San Luis), Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, northern at central portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Panukulan, Burdeos, Polillo, Patnanungan, Jomalig), Mauban, Sampaloc, Lucban, San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, Tayabas City, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, Lopez, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez), at Camarines Norte.
Ayon kay Raymond Ordinario, weather forecaster ng Pagasa, hinahatak ng Bagyong Butchoy ang hanging habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Inaasahang dadaan ng Polilio Islands ang bagyong Butchoy ay magla-landfall sa bahagi ng Northen Quezon at Southern Aurora ngayong umaga.