top of page
Search
Govinda Jeremaya

Sa mga walang energy d’yan, para sa inyo ‘to! Lemon, pantanggal ng pananamlay


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang lemon.

Ayon sa kaysayayan, hindi pumapayag si Christopher Columbus na hindi magsakay ng saku-sakong lemon sa kanyang mga barkong panlayag. Ito ay dahil subok na ni Columbus ang lemon na gamot sa scurvy.

Ang scurvy ay sakit kung saan humihina ang tao na parang laging pagod, nagkaka-sore o sugat sa mga kamay, braso at legs. Nagkakaroon din ng sugat sa ngala-ngala, bagang, gums o dila at loob ng bibig. Nagiging manipis din ang buhok, nalalagas at may pagdurugo rin sa balat.

Noong panahon na ‘yun, hindi pa alam ng mundo ang Vitamin C, pero ngayon, ginagamit na ito bilang panlaban sa scurvy.

Malayo ang agwat ng panahon ni Columbus sa modernong panahon natin, pero alam na alam na niya na ang lemon na mayaman sa Vitamin C ay gamot sa scurvy.

Hindi naman maikakaila na si Columbus ay binansagang dakilang manlalakbay na siya ring dahilan kung bakit ang lemon ay kumalat sa buong mundo dahil ang mga buto nito ay hindi sinasadyang naitatapon ni Columbus sa mga bansang kanyang narating.

Tulad ng nasabi na, mayaman sa Vitamin C ang lemon. Nananamlay ka ba at feeling mo, lagi kang pagod kahit wala kang ginagawa? May sugat ka ba? May butlig ba sa loob ng iyong bibig? Kumusta naman ang skin mo sa braso, mga kamay at legs?

Kumain ka ng lemon ay magugulat ka dahil lalakas ka. This is not a joke, take a piece of lemon kahit isa lang. Subukan mo at madarama mo na biglang mawawala ang iyong pananamlay. Kumain ka ng lemon at alam mo na ang susunod na mangyayari sa iyo dahil sisigla at lulusog ka, gayundin, gaganda ng kutis mo.

Narito ang nutritional facts ng lemon, ang isang lemon ay mayroong:

  • Energy: 16.8 calories (kcal)

  • Carbohydrates: 5.41 g, of which 1.45 g are sugar

  • Calcium 15.1 milligrams (mg)

  • Iron: 0.35 mg

  • Magnesium: 4.6 mg

  • Phosphorus: 9.3 mg

  • Potassium: 80 mg

  • Selenium: 0.2 micrograms (mcg)

  • Vitamin C: 30.7 mg

  • Folate: 6.4 mcg

  • Choline: 3.0 mg

  • Vitamin A: 0.6 mcg

  • Lutein/Zeaxanthin: 6.4 mcg

Ang lemon ay usung-uso ngayon at lahat ng fruit stands ay may tindang lemon. Kaya muli, try mo kahit isa lang at ikaw mismo ang magsasabing sa lemon, nawala ang iyong pananamlay.

Good luck!

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page