Ayon kay Joshua Garcia, loveless pa rin siya up to now kaya pinalipas niya ang kanyang quarantined life na walang girlfriend at nag-focus na lang daw siya sa sarili. Nagkaroon daw siya ng mas maraming oras para sa sarili niya at maraming naging realizations for himself.
“Para talaga sa sarili ko lahat ‘yung mga na-realize ko during ECQ. Kasi, lalo na ngayon, 'di ba, wala akong love life, wala akong girlfriend, 'di ba? So, mas nakakapag-focus ako sa sarili ko ngayon. Mas more time para sa sarili ko,” ani Joshua sa online interview with DJ Jhai Ho.
Natutuwa nga raw siya dahil ngayon ay mas nagke-care siya sa kanyang kalusugan.
“Kasi dati, parang wala akong pakialam, trabahu-trabaho, sige. Pero ngayon, parang mas kailangan ko ng pahinga, kailangan ko ng vitamins, mas ganu’n na ako ngayon,” he said.
Naitanong kay Joshua kung kumusta na sila ni Janella Salvador na matatandaang nakapareha ng aktor sa The Killer Bride. Sa nasabing serye nagsimulang pumatok ang JoshNella love team at marami nga ang naghihinala na nagkakamabutihan na rin sila in real life.
Ayon kay Joshua ay okay daw sila ni Janella at nami-miss na niya ito.
“Okay kami ni Janella. Actually, miss ko na nga siya kasi ang tagal na naming ‘di nagkikita. Kasi 'di ba, dati, halos araw-araw kaming magkakasama nina Maj (Maja Salvador) sa trabaho. Tapos, biglang hindi na kami nagkita lahat,” ani Joshua.
Huli raw pagkikita nila ni Janella ay nang i-pitch sa kanila ng ABS-CBN ang kanilang next project after The Killer Bride. Pero dahil nga sa sunud-sunod na hindi magagandang kaganapan ay mukhang hindi na ito matutuloy.
“Hindi pa siya sa ngayon. Siguro, hindi siya ‘yung project para sa amin. Siguro, may mas maganda kaming project na dapat gawin,” he said.
Sa ngayon ay wala pang sinabi ang aktor na susunod na project niya kaya inihahanda lang daw niya ang sarili sakaling may ibigay nang trabaho sa kanya.
“Bahay lang ako, hindi ako masyadong lumalabas, para mas safe. Kasi nagre-ready ako, baka pagdating ng shoot, baka ru’n na ako magkasakit, 'di ba? So, huwag naman sana. Pagdating ng shoot, sana, malakas ako, ganu’n.
“Kaya ngayon pa lang, nagre-ready na ako,” sey pa niya.