Naglabas din ng kanilang saloobin ang grupo ng malalaking negosyante sa Pilipinas kaugnay sa Anti-terrorism bill.
Matatandaang, naipasa ang naturang panukala sa Kongreso bago nagsara ang first regular session noong isang araw.
Kabilang sa mga lumagda sa joint statement ang mga sumusunod na grupo:
- Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development
- Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IT-BPAP)
- Investment House Association of the Philippines (IHAP)
- Judicial Reform Initiative (JRI)
- Management Association of the Philippines (MAP)
- Makati Business Club (MBC)
- Philippine Business for Education (PBEd)
- Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA)
Anila, maraming iba pang mahahalagang bagay ang kinakailangan ngayon kaysa sa nasabing panukala.
Mas kailangan umanong tugunan ang mga bumagsak na negosyo, nawalan ng trabaho, mga kabataang nagugutom at problema sa pagpapatuloy ng edukasyon.