![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_b63c2a016f43410cac992ed5382797f6~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_b63c2a016f43410cac992ed5382797f6~mv2.jpg)
Humanga ang mga netizens sa magandang relasyon nina Jodi Santamaria at Iwa Motto. Si Jodi ang ex-wife at ina ng anak ni Pampi Lacson na si Thirdy, habang si Iwa naman ang present partner ng anak ni Sen. Panfilo Lacson.
Na-witness ng mga netizens ang palitan ng comments nina Jodi at Iwa sa Instagram nu'ng June 5. Ipinost ni Jodi ang piktyur ni Thirdy na nakayuko habang busy sa paggamit ng cellphone.
Nag-emote si Jodi sa caption ng picture ni Thirdy bilang ina na nakikita ang kanyang anak na lumalaki na. Katorse-anyos na kasi ang bagets.
"The great paradox of parenting is that it moves in both slow motion and fast speed. Hello @thirdy.lacson. Huhuhu big boy ka na talagaaaaa," sey ni Jodi.
Sa comment section ay makikita ang account name na iam_iwa.
Sabi niya, "Sobrang brokenhearted ako. Bakit ang bilis!!!!"
Nag-reply naman si Jodi kay Iwa, "Huhuhu I knoooow. Akap na mahigpit sa 'ting mga parents."
Reply ni Iwa, "Sa Sunday tayo magtuos. See u."
Nag-post ng comment ang ilang netizen ng positive vibes kina Jodi at Iwa.
"Nakakatuwa kayo. This is possible pala?"
"I applaud both of y'all! It's rare to see bio moms and stepmoms that are in good terms. But when you see it, it just fills your heart with such positivity. It is indeed possible. Especially for the sake of the child/children involved. Hats-off to the both of you and of course, Mr. Lacson."
Anyway, sa recent post ni Jodi kahapon ay inimbita niya ang kanyang mga followers sa social media sa bagong channel na paglalabasan ng mga programa ng ABS-CBN.
"Mga Kapamilya, tuloy po kayo sa ating Kapamilya Channel," post ni Jodi.
Mukhang happy and excited si Jodi na mapapanood na muli ang mga Kapamilya shows sa "bagong" Kapamilya Channel.
Ang Kapamilya Channel ay mapapanood sa cable, iWant at TFC.