Nitz Miralles / Bida
Sunud-sunod ang endorsements ni Alden Richards at sa first half ng 2020, may five new endorsements na siya.
Sa five endorsements, ang Embassy Whiskey pa lang ang nai-launch. Ang iba gaya ng Century Tuna, isang brand ng shampoo, AMA University and Colleges at ang Oxecure Acne Solution ay online na lang ang launching, naabutan kasi ng Covid-19 at quarantine.
Sayang dahil gaya sa Century Tuna, naghanda at inihanda pa naman nina Alden at Nadine Lustre ang kanilang mga katawan at ipapakita sana sa grand reveal na never nangyari. Hindi rin nai-launch ang TVC ng shampoo nila ni Bea Alonzo na kinunan pa naman sa Bangkok, Thailand for the same reason.
Online na lang ini-launch ang AMA at nitong huli, ang Oxecure endorsement ni Alden na gamot sa body acne.
Sa post ni Alden, may spray at sulphur soap ang Oxecure na marami na ang nangakong bibili at gagamit bilang suporta kay Alden.
Samantala, may namba-bash kay Alden at sa ibang Kapuso stars dahil hindi raw maingay sa mga isyu sa bansa ngayon. Wala raw Kapuso stars na nagsasalita sa pagsasara ng ABS-CBN, walang nagsasalita tungkol sa racism at nitong huli, tungkol sa Anti-Terror Bill.
Naku naman, kapag nagsalita si Alden at ang ibang Kapuso stars sa kaso ng ABS-CBN, aakusahan silang nakikisawsaw, eh, hindi naman sila Kapamilya stars.
Tungkol sa racism at sa Anti-Terror Bill, may kani-kanyang estilo ng pagpapahayag ng sentiments ang bawat tao na hindi lang sa socmed idinadaan.