top of page
Search
Rafaella Garcia

PHL Swimming, nagpalabas ng susunding health protocol guidelines


Matapos na payagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang swimming na isa sa mga sports na maaari nang maisagawa ay agad na nagpalabas ng kanilang guidelines ang Philippine Swimming Inc. (PSI) sa pamamagitan ng Presidente nito na si Lailani Velasco.

Ito ay upang masiguro na makaiwas ang mga atleta at mga miyembro nito sa banta ng nakamamatay na COVID-19 lalo na nga at naibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, ay mas posible ang panganib na hatid ng nasabing virus.

Bukod pa rito ay naniniguro lamang ang PSI gayung wala pang gamot na maaring magamit upang makaiwas sa naturang sakit na kumakalat.

“The fact remains that a vaccine or cure is yet to be found. Thus, we enjoin all the clubs to observe the minimum health standards provided by the DOH (Department of Health) and undertake the best practices to ensure the health and safety of everyone,’’ ayon sa PSI.

Isa ang swimming sa mga may pinakamaraming bilang ng atleta at mga events na sinasalihan kaya naman kinailangan nila na magsagawa ng mga alituntunin na tutulong sa mga ito na makaiwas sa pagkakaroon ng Coronavirus.

Alam din ng PSI na responsibilidad nila sakaling may mangyaring hindi maganda sa isa sa mga atleta nito o miyembro na ngayon nga at pinayagan na silang muling lumangoy.

Kasama sa mga alituntuning ipinapatupad ngayon ng PSI ay ang ay pagdaragdag ng level ng sanitation sa mismong swimming pool at komportableng pasilidad.

Samantala, ang mga sports na pinayagan ng IATF sa ilalim ng GCQ ay ang golf, biking, running, tennis, badminton, equestrian at skateboarding basta masisiguro na ang mga atleta ay susunod sa alituntunin gaya ng pagsusuot ng face masks, maisasagawa ang physical distancing at hindi maghihiraman g mga kagamitan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page