Pinag-aaralan ng gobyerno ang posibilidad na bigyan ng pangatlong bugso ng cash assistance ang mga jeepney driver ngayong buwan na naapektuhan ng coronavirus lockdown.
“Pinag-aaralan na po na bigyan ng pangatlong buwang ayuda ang mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay po dahil hindi pa po pinapayagang bumiyahe ang ating mga jeepney,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa televised press briefing.
"Ito po ay manggagaling pa rin doon sa Bayanihan Act," wika pa ni Roque.
Nabatid na marami nang mga jeepney driver ang umaaray dahil wala silang hanapbuhay hangga't hindi sila pinapayagang makabiyahe habang ang ilan ay nanlilimos na lamang sa kalsada.