top of page
Search

Kaya kahit kasama ang 'Honey' niya, 'di happy… BB, UMAMING TAKOT SA MGA NANGYAYARI NGAYO

Julie Bonifacio

Lubos na nababahala si BB Gandanghari sa nangyayaring kaguluhan sa Amerika. Sa kanyang recent vlog na Mornings with BB sa YouTube ay inilabas ni BB ang kanyang saloobin.

Nag-rally ang mga Amerikano dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kamay ng isang pulis. Kasunod nito, nagkaroon na ng looting sa mga mamahaling tindahan sa Los Angeles.

Nu'ng una ay wala raw siyang kamalay-malay sa mga nangyayari until nabanggit sa kanya ng isang co-worker niya sa office.

"Sana.... sana huminahon ang lahat. Okey, ako naiintindihan ko 'yung protesta. It's part of our expression. Lumaki tayo d'yan, eh. Generation namin 'yan, eh. Sabi ko nga doon sa co-worker ko kahapon, 'You know, what's going on now? This is very much in 1980s in the Philippines. This was very much like 1986," pahayag ni BB na dating si Rustom Padilla.

Ang tinutukoy niya ay noong 1986 EDSA Revolution kung saan napatalsik sa puwesto ang dating Presidente Ferdinand Marcos.

"Noon, walang social media. So, uh, pero nagkikita-kita ang tao sa kalye, 'di ba? Pero walang looters noon, walang nanggugulo. Sabi ko nga, this reminds me of noong kay Erap (former President Joseph Estrada) nu'ng People Power, it was more of really, 'di ba, let the dogs nga?"

Mahirap daw mag-comment on anything dahil baka ma-take out of context ang sasabihin niya.

"But my personal feeling is as much as I believe in expression, ako pa? Eh, part ako ng minority na I want to be heard. Uhm, pero 'pag ganitong may mga looters, 'di ba, kailangang magrenda na rin tayo. Tayong mga peaceful, 'yung mga peaceful rallies, ha?"

Suggestion ni BB, baka kailangan ng leader ng bawat organization na nagsasagawa ng peaceful rally na i-consider na pigilan ang mga looters.

"Kasi, like for example, 'yung nangyari roon sa Fifth Avenue, ano 'yun, in seconds, in minutes, basta thousand of people, nagpuntahan agad doon in minutes. Look, eh, napakadaling gawin ng looters ngayon because of social media.

"So, I think we really have to think how to stage a really peaceful way na hindi tayo nagagamit ng mga looters. And so, our message, whatever it maybe can really come-up across and not to be overshadowed by everything, 'di ba?"

Inamin ni BB na nu'ng malaman niya na malapit na sa place niya ang mga nagra-rally, ganu'n na lang ang takot niya. At kaya 'pag nanonood daw siya ng news, hindi na rin niya tinatapos panoorin.

"I don't want to be political. I'm not even pro-Trump. Hindi niya ako botante rito kasi nga I'm still a resident. Hindi naman ako citizen."

Tuloy, pati sila ng kanyang "honey" ay 'di na rin daw maubos ang kinakain sa kawalan ng appetite dahil sa mga nangyayari sa Amerika.

"Patung-patong," buntong-hininga niya. "Hindi pa nga natatapos ang pandemic, eto naman, 'di ba? Ang hirap kumain. Pati si Honey, baka kaya hindi natin maubos ang pagkain natin dahil wala na tayong ganang kumain?"

'Yun na.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page