Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
Ang kamias.
Maraming klase ng bunga ng halaman at halos lahat ay iba ang lasa kapag mura pa at hinog na, kumbaga, magkaiba ang lasa ng mga prutas sa bawat panahon ng pagiging bunga nila.
Mayroong mapakla kapag mura pa at tatamis kapag hinog na. Mayroon namang mapait kapag bata pa at mawawala ang pait kapag hinog na. Mayroon ding walang lasa sa una pero sa huli ay ubod ng tamis. Mayroong maasim pero kapag hinog ay matamis na. Pero ang kamias ay kakaiba dahil ito ay maasim mula una hanggang sa mahinog.
Bakit kaya?
Ito ay dahil ang kamias ay mayaman sa Vitamin C. Natikman mo na ba ang Vitamin C? Puwede mong tikman ang Vitamin C sa pamamagitan ng tableta na nabibili.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang kamias ay sumikat na pampaasim sa mga ulam at kakaiba ang asim ng ulam na nilagyan ng kamias dahil kapag ininom nang regular ang sabaw, ang sipon o sakit sa respiratory system ay mabilis na gumagaling.
Kapag kinain ang kamias at hinayaan muna sa bibig nang ilang minuto, ito ay nagreresulta sa paglinis ng bunganga. Narito ang ilang sakit na kayang lunasan ng kamias:
Pamamaga ng balat, kasukasuan, talampakan o paa at maging sa mga kamay o mga daliri kung saan ipapahid lang ang katas ng kamias sa apektadong bahagi ng katawan
Gamot din sa rayuma ang katas ng bunga ng kamias. Kumuha ng kapirasong malinis na tela na may katas ng kamias, balutin at ilalagay sa bahaging may rayuma
Kapag madalas na ininom ang pinakuluang dahon, may kakayahan itong tunawin ang bato sa kidney
Kaya rin ng kamias na pababain ang mataas na blood pressure
Pinagaganda rin ng pag-inom ng pinakuluang kamias ang puso kaya ito ay good for the heart
Kayang-kaya ng kamias na tulungan ang panunaw na nasa tiyan para madaling maging likido ang mga mahirap natunawin
Ang pag-inom ng tubig mula sa pinakuluang bunga ng kamias ay mabisang pampapayat
Ang tubig na pinagbabaran ng bulaklak ng kamias ay napakahusay na tonic dahil mabilis na gumagaling ang sipon at sinusitis
Ang pinagbabaran ng dahon ng kamias ay mabisang gamot sa venereal diseases. Nakagugulat ang medicinal benefits ng kamias. Very powerful ito, mura man o hinog na dahil naroon pa rin ang kanyang husay sa pagpapagaling ng mga karamdaman.
Letra-por-letra na masasabing very powerful ang kamias at ito ay madaling mapatunayan. Simple lang, ang bunga ng kamias ay ipahid sa kutsilyo na may kalawang, marumi at nanigingtim na, magugulat ka dahil ang kutsilyo na nilinis gamit ang kamias ay shining bright.
Good luck!