top of page
Search
VA

First season ng UAAP 2021 iaatras para makapagplano


Iurong ang pagbubukas ng kanilang susunod na season sa first quarter ng susunod na taon (2021) bilang pag-aadjust sa inaasahang mga magiging epekto ng COVID-19 pandemic, ang isa sa mga pinagpipiliang isagawa ng pamunuan ng UAAP.

Pero sa kasalukuyan ay wala pa namang napagkakasunduan ang Board of Managing Directors (BMD) hinggil sa pagdaraos ng kanilang susunod na athletic calendar ayon kay UAAP executive director Rebo Saguisag.

Sa katunayan, ayon kay Saguisag ay sa inaasahang unang tatalakayin sa susunod na pagpupulong ng UAAP board ay ang mangyayari sa nahintong Season 82 bago ang plano para sa susunod na Season 83 na nakatakdang i- host ng De La Salle gayundin ang eligibility ng lahat ng mga student-athletes.

Hindi rin aniya basta-basta makakapagdesisyon ang BMD dahil isinasa-alang-alang nila ang maraming mga bagay gaya ng patuloy na pagbabawal sa pagdaraos ng mga mass gatherings, ang PSC statement na 'no vaccine, no sports' at ang sinasabi ng DepEd na magsisimula ang face-to-face o in-person classes sa Agosto 24 at Setyembre 1 naman sa CHED.

"Again, nothing is final as the goalposts keep shifting. Everything is on the table and the Board of Managing Directors is carefully preparing for many different scenarios which will be presented to the Board of Trustees for approval," wika pa ni pa Sagisag.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page