top of page
Search
Thea Janica Teh

Contribution payment ng SSS, extended hanggang June 15

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Inanunsiyo kamakailan ng Social Security System (SSS) na extended ang deadline ng contribution payment hanggang June 15, 2020.

Nakapailalim sa extended contribution payments ang mga household employers, self-employed, voluntary at non-working spouse members sa unang quarter ng taong 2020. Kasama rin dito ang kontribusyon mula February hanggang March 2020 ng lahat ng regular employers.

Ang lahat ng employers na aprubado ng installment proposal sa Contribution Penalty Condonation Program ay extended din hanggang June 15, 2020 para ma-deposit ang kanilang post-dated checks na due noong February hanggang May 2020.

Sinabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio na pinahaba nila ang panahon para makapaglaan at mabigyan ng sapat na oras ang mga employer sa pagbabayad ng kontribusyon sa kabila ng nararanasan nating pandemic.

“Ang mga individual members ay maaaring magbayad sa Moneygment sa My.SSS web portal sa aming website, PayMaya gamit ang SSS Mobile App, Bayad Center Mobile App o online banking ng Security Bank kung mayroon silang deposit account. Samantala, ang mga regular employer naman ay maaaring magbayad gamit ang bank web facility tulad ng Bank of the Philippine Islands - Bizlink, Security Bank Corporation Digibanker, Union Bank of the Philippines o gamit ang eGov Bancnet online. Ang mga household employers ay maaaring magbayad gamit ang Security Bank Corporation Digibanker,” dagdag ni Ignacio.

Samantala, ang mga record ng self-employed, voluntary at non-working spouse member na hindi nakapagbayad ng kanilang kontribusyon ay gagamitin para malaman kung sila ay eligible sa mga benepisyo kung saan ang huli nitong araw ng bayad ay kasama o pagkatapos ng semester.

Ang deadline ng mga ito matapos ang pagbabayad ng April 2020 o quarter pagtapos ng quarter na natapos noong March 31, 2020, susundan na ito ng regular payment schedule.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin at I-follow ang kanilang Facebook Page na Philippine Social Security System.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page