Isang menor-de-edad ang namatay matapos magkaroon ng kumplikasyon sa baga dahil umano sa sobrang pagpupuyat at hindi pagkain sa tamang oras kalalaro ng Mobile Legend, sa Bgy. Pasong Camachile 2, Gen Trias, Cavite.
Ayon sa Facebook page ng Cavite Connect, Mayo 24 nang itakbo sa ospital ang binatilyong itinago sa pangalang ‘Johnrey’, matapos na magsuka ng dugo.
Niresetahan ito ng gamot at pinauwi rin dahil may mga Covid patient sa nasabing ospital.
Nabatid na masyado umanong adik sa ML ang biktima at halos gabi-gabi umano itong puyat at nalilipasan ng gutom.
Mayo 31, nang tuluyang binawian ng buhay ang binatilyo matapos na magkaroon umano ng kumplikasyon sa baga nito.