top of page
Search
  • Janice Baricuatro

92-anyos, patay sa COVID-19


Isang 92-anyos na lola ang nasawi at positibong tinamaan ng Covid-19 sa Silang, Cavite.

Sa Facebook page ni Silang Mayor Socorro Poblete, ibinalita nito na pumanaw na ang isang 92- anyos na lola at huli nang nalaman na positibo ito sa COVID-19.

Nagmula ang biktima sa Bgy. Sabutan, kung saan dati na itong may iniindang sakit. Nakaramdam ito ng hirap sa paghinga at nagpatingin sa isang pribadong pasilidad.

Agad itong isinailalim sa standard swab test bilang pagsunod sa protocol subalit, hindi pa man lumalabas ang resulta ay binawian na ito ng buhay.

At nitong Hunyo 2, lumabas ang resulta ng swab test kung saan positibo ito sa coronavirus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page