Umakyat na sa 20,382 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Health, ito ay matapos silang may maitalang 634 na karagdagan pang kaso.
Pero sa bilang na ito ay 313 ang fresh cases habang 321 naman ang late cases.
Sa mga fresh cases na ito, 114 ang mula sa National Capital Region, 101 sa Region 7, ang 97 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa habang 1 naman ang mula sa hanay ng repatriate.
Sa mga late cases naman, ang 44 ay mula sa NCR, 37 naman sa Region 7, 177 naman sa iba pang lugar sa bansa habang 63 naman ay mula sa hanay ng mga repatriate.
May 95 namang naitala na bagong nakarekober mula sa covid-19.
Kaugnay nito, umakyat na sa 4,248 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus. Habang may 10 namang naiulat pang nasawi dahil sa covid-19.
Sa kabuuan, nasa 984 na ang bilang ng nasawi sa bansa sa nasabing sakit.