top of page
Search
Gina Pleñago

Bike lanes sa LGU, umarangkada na


Kaugnay ng "World Bicycle Day", inilunsad ng Taguig City ang komprehensibong plano upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagbibisikleta bilang transportasyon.

Layon nilang maisulong ang lungsod bilang "Bike City" at makapagbigay ng bisikleta sa mga health centers upang magamit sa pagpapatrulya para masiguro ang kaligtasan at nasusunod ang health protocols.

Nagtalaga rin ng mga bike lanes sa kahabaan ng Cayetano Blvd., Bayani Road at isinaayos ang protected bike lane sa kahabaan ng C6 para sa tatlong araw na demo.

Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng "BIKE FRIENDLY" Ordinance na nilagdaan nitong Hunyo 1.

Ayon kay Taguig City Councilor Atty. Darwin Icay, hindi lamang ito makatutulong sa kalikasan kundi mababawasan din ang volume ng mga sasakyan sa lansangan.

Hinikayat din ng LGU ang lahat ng establisimyento partikular ang mga mall na maglagay ng space para sa mga bike at para na rin sa safety at hindi manakaw ang kanilang mga bisikleta.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page