top of page
Search
BRT

Anti-terror bill, lusot na sa Kamara


Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Anti-terror bill.

Sa botohang 173 affirmative, 31 negative at 29 abstentions, naipasa na ang panukalang batas.

Ilan sa mga tinututulang probisyon nito ng mga kritiko ay ang aniya'y "malawak" na depenisyon ng terorismo, pagpapahintulot sa 14 hanggang 24 araw na pagkakakulong kahit walang warrant at 60 hanggang 90 araw na surveillance.

Una nang naipasa ang counterpart nitong panukala sa Senado sa katauhan ng Senate Bill 1093, na layong palitan ang Human Security Act of 2007.

Karaniwang nagsasagawa ng Bicameral Conference Committee upang pagtagpuin ang mga pagkakaiba ng Senate at House versions ng isang panukala.

Gayunpaman, pareho ang nilalaman ng anti-terrorism bill sa dalawang sangay ng Lehislatura matapos angkupin ng Kamara ang naunang bersyon ng Mataas na Kapulungan.

Ipadadala na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malagdaan at tuluyang maging batas.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page