![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_f31a3b3284b74bb8961f301dba71f85b~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_f31a3b3284b74bb8961f301dba71f85b~mv2.jpg)
Tiyak na matutuwa ang mga nabitin na fans ng top-rating action-serye ni Coco Martin dahil sa balitang magri-resume na ang taping ng FPJ's Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
Ayon sa aktres na si Lorna Tolentino na isa rin sa cast ng FPJ's Ang Probinsyano, naghahanda na ang production ng show ni Coco para sa pagbabalik nila sa taping.
Bago sila magsimula ng taping sa June 15, sasailalim daw muna ang lahat ng cast at iba pang involved sa taping sa isang rapid testing on June 14.
Susunod ang production ng Ang Probinsyano sa napagkasunduang comprehensive guidelines para sa lock-in or closed-door taping and shooting.
Dahil lock-in, kailangan daw na kumpleto sa sanitation at pahingahan sa set. Hanggang 70 katao lang daw ang papayagan kabilang na ang mga artista.
Mahigpit daw na ipagbabawal sa set ang pagdadala ng mga alalay at glam team. Bawal din ang paglalagare ng mga artista at crew sa mahigit na dalawang produksiyon para raw maiwasan ang covid-19 infection.
Naka-lock-in daw sa Batangas ang taping ng Ang Probinsyano na tatagal ng halos isang buwan.
Pero may nabasa kaming comment from netizens na dahil naka-shutdown pa rin ang ABS-CBN, malamang daw ay sa ibang platforms na ipapalabas ang karugtong ng tinututukan ng maraming manonood na programa ni Coco.
Kering-keri naman talaga ng ABS-CBN na ipalabas sa kanilang KBO/iWanTV ang Ang Probinsyano. At huwag magtaka kung mapanood din ang action-serye ni Coco sa Netflix.
'Yun nga lang, kailangan pang magbayad ng mga fans ni Coco para siya mapanood sa Ang Probinsyano, samantalang sa ABS-CBN, libre lang nila itong napapanood.