top of page
Search
V. Reyes

Palugit sa pagbabayad ng upa, in-extend pa


Magsisimula na sa araw na binawi ang enhanced community quarantine (ECQ) o sa araw nang magbukas ng negosyo o magbalik sa trabaho ng empleyado ang 30-araw na palugit o grace period sa pagbabayad nito ng upa.

Ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong memorandum circular 20-29 kahapon na nag-aamiyenda sa naunang abiso nito patungkol sa grace period sa mga nangungupahan sa residential o commercial unit.

Sa lumang memorandum circular, magsisimula ang 30-day grace period sa huling due date ng pagbabayad ng renta na pasok sa panahon ng pagdedeklara ng ECQ.

Pero ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, binago na ito at pinasisimulan ang palugit sa petsa na naalis ang community quarantine.

Hindi rin umano dapat patawan ng interest o tubo, multa o iba ang charges ang hindi nabayarang upa noong panahon ng ECQ.

May opsyon din aniya ang tenant na magbayad ng anim na buwang installment matapos ang 30-day grace period.

Kinakailangan lamang na lumagda ito ng promisory note na nagpapahayag na handang magbayad ng installment sa upa sa loob ng anim na buwan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page