top of page
Search
Gina Pleñago

P11-m cash assistance para sa mga estudyante, ipamimigay na


Photo courtesy of City of Las Piñas

Tinanggap na ng Las Piñas School Division ang P11 milyong cash assistance para sa 11,000 graduates mula sa mga pampublikong eskuwelahan sa lungsod.

Personal na tinanggap ni acting Las Piñas City School Division Superintendent Dr. Joel Torrecampo ang tulong pinansiyal para sa nakapagtapos sa nakaraang School Year 2019-2020.

Bawat graduate ay tatanggap ng P1,000 at liham na pagbati mula kay dating Mayor Vergel "Nene” Aguilar.

Ayon kay Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, kabilang sa mapagkakalooban ng cash aid ang mga graduate students mula sa elementary, senior high school at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAM).

Sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 8,401 ang nagtapos sa elementarya, 2,173 sa senior high school at 284 graduates naman sa DFCAM.

Ang mga principals sa mga nasabing paaralan ang mangangasiwa ng pamamahagi ng cash aid sa mga graduates.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page