top of page
Search
Sr. Socrates Magnus II

Madlang pipol, kani-kanyang diskarte na lang para ‘di magka-COVID-19 dahil ayaw nang makinig sa goby

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Inilagay na ng mga awtoridad ang maraming lugar sa bansa sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), pero mahigpit pa rin nilang ipinaaalala na sumunod sa mga nakalatag na dapat gawin.

Pero sa totoo lang, alam ng pamahalaan na ang mga tao ay inip na inip na at darami lang ang mga pasaway kung hindi palalayain ang mga tao. Alam din nila na marami sa kanilang hanay ang hindi sumusunod sa sarili nilang mga utos.

Kaya alam na alam din nilang kapag ganu’n ang nangyari, abot-abot ang galit ng mga tao dahil maluwag sila sa kasamahan nilang mga nasa itaas, pero ang mga pangkaraniwang tao ay pinahihirapan kapag hindi sumusunod.

Kaya bago dumami ang mga magagalit sa kanila, minabuti na lang na bigyan ng kalayaan ang tao. Ito ay kahit alam nilang ang COVID-19 ay nasa buong paligid pa rin. Pero ang dahilan nila ay ang para mabuhay ang ekonomiya ng bansa, kaya nawawala o kinalimutan na ang kanilang sinabi na mas mahalaga ang buhay kaysa sa pagkita ng pera.

Ang mas maganda, para sa lahat ng mamamayan ay gawin ang kanilang mga gustong gawin habang sila ay gumagawa rin ng paraan para makaiwas sa COVID-19, kumbaga, hindi na sila gaanong aasa pa sa mga sinasabi ng mga awtoridad dahil habang nakikinig sa kanila, lalo lang gumugulo at nalilito ang mga tao.

Bukod sa paiba-iba at pabagu-bago ang kautusan, sila mismo ay naguguluhan, lalo na sa bilang ng kaso ng COVID-19 na araw-araw ay nagbibigay lang impresyon sa tao na dinadaya ang bilang o datos.

Kaya ang isa pang mabuting gawin ay magsikap at magpursigi na umunlad. Maraming araw ang nasayang at para makahabol na mapaunlad ang kabuhayan, huwag kalimutan ang isa sa Law of Success na nagsasabing, “Ngayon, kikilos ako at ang nasa isip ko ay ito na ang huling mga araw ko!”

Sa biglang tingin, nakakatakot ang Law of Success kung saan ito ay mukhang mas nakakatakot pa sa COVID-19. Pero ito ay subok na at kapag ibinigay ng tao ang lahat ng makakaya niya, dahil wala nang bukas pa, ang kanyang naging pag-asenso ay sobra-sobra.

Bakit kaya? Dahil kapag inilagay mo sa isipan mo na ito na ang mga huling araw mo, itotodo mo na ang lahat ng makakaya mo at kapag nagising at buhay ka pa, sobrang tuwa mo dahil ang todong pagyaman ang napasaiyo.

Itutuloy

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page