top of page
Search
V. Reyes

Limit sa pagbili ng basic commodities, planong bawiin ng DTI


Pinag-aaralan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibilidad na mabawi ang ipinalabas nitong abiso patungkol sa limitasyon ng pagbebenta at pagbili ng ilang basic commodities matapos na magsimula nang maging matatag ang suplay dahil sa pinaluwag na mga protocol ng community quarantine.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, nakatatanggap sila ng kahilingan mula sa mga manufacturer at retailer na alisin na ang anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular nito na ibinaba nang isailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon noong Marso.

Ibinaba ng DTI noong Marso 19 ang Memorandum Circular No. 20-07 matapos maobserbahan na marami ang naghahakot ng suplay sa takot sa lockdown.

Sa ilalim ng memorandum, kabilang sa mga produktong limitado ang mabibili sa bawat transaksiyon ay alcohol, hand sanitizer, disinfecting liquids, bath soap, toilet paper, face mask, instant noodles, canned sardines, gatas, instant coffee, mineral watern at loaf bread.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page