top of page
Search
Govinda Jeremaya

Kaya naman pala ini-endorse ng DOH, besh... Akapulko, pampurga at panlaban sa cancer cells, gamot pa


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Ang akapulko.

Huwag kang magugulat dahil ng akapulko ay isa sa halamang gamot na ini-endorso ng Department of Health - Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care

(DOH-PITAHC) matapos itong ma-validate scientifically to ensure safety and efficacy, kaya kinikilala sa larangan ng medisina ang galing at husay ng akapulko.

Narito ang kanyang mga kakayahan:

  • Gamot sa sakit sa balat tulad ng tinea infections, insect bites, ringworms, eczema, scabies and itchiness

  • Panlunas sa mga sintomas ng asthma

  • Gamit na diuretic

  • Pampurga sa mga bulate na namamahay sa tiyan

  • Gamot sa ubo

  • Gamot sa mataas na lagnat

  • Panlinis ng bunganga dahil napapatay ang mga mikrobyo rito hanggang sa lalamunan

Ito ay sa dahilang ang akapulko ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • Chrysophanic acid, fungicide na ginagamit bilang panggamot sa fungal infections tulad ng ringworms, scabies at eczema.

  • Mayroon ding saponin, laxative na nakatutulong para matanggal ang intestinal parasites.

Dahil powerful medicinal herb ang akapulko, ito rin ay ginagawang lotion, sabon at shampoo.

Ang akapulko rin ay mabisang panlinis sa reproductive system ng babae at inirerekomenda ito para labanan ang cancer cells sa reproductive system ng kababaihan.

Bagama’t malaki ang naitutulong sa reproductive system, ang mga babae ay pinag-iingat dahil ang katas ng dahon ng akapulko ay powerful abortifacient kaya hindi ito inirerekomenda sa mga buntis.

Para magamit, ang dahon ay puwedeng katasin. Ilalagay sa supot na tela saka pupukpukin at ang dahon na pinukpok ay ilalagay sa apektadong balat.

Ang mismong katas na nakuha sa dahon ay puwede ring ipahid sa apektadong bahagi ng balat.

Ang pinakuluang dahon, sanga, bulaklak o ugat ng akapulko ay iniinom para sa may ubo o bronchitis.

Ipinapahid din ang katas ng akapulko sa mga nakakalbong buhok.

Ang akapulko ay may pangalan ding “Emperor’s candlesticks” at kaya ikinapit sa kanya ang pangalan na emperor ay dahil ito ang lihim na pinanggagamot ng mga emperor sa kanilang sakit sa balat.

Good luck!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page