Photo by Albert Calvelo
Hinamon ni Senador Nancy Binay ang mga transport executives sa gobyerno na mag-commute upang maranasan nila mismo ang mga guidelines na kanilang ipinatupad sa ilalim ng general community quarantine at upang maramdaman din ang hirap ng publiko sa transportasyon.
Ayon kay Binay, wala umanong malinaw na plano ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) kung saan nagdagdag lamang sa kaguluhan, pagdurusa at pagkalito ng mga mananakay.
"Ano ba talaga ang plano ng DOTr sa commuters? Three months under ECQ and still they have no clear plan in place. What happened to foresight? Mabuti sila’t aircon ang mga sasakyan,” ani Binay.
“Eh kung subukan kaya ng mga opisyal ng DOTr mag-commute mula sa kani-kanilang bahay papasok sa opisina nila [sa Clark City o Ortigas]? Dapat maramdaman nila ang hirap na pinagdadaanan ng mga commuter. They won’t be able to plan well if they don’t feel and understand the people’s daily struggles,” sabi ng senadora.
Naniniwala rin si Binay na hindi handa ang gobyerno sa ilalim ng ng senaryo ng GCQ dahil wala aniyang sapat na mga bus o pampublikong transportasyon papunta sa mga manggagawa na papasok at uuwi mula sa trabaho.
“Napaka-unfair sa commuters na ‘yung mga private vehicles walang restrictions bumiyahe. Napakalimitado ng choices nila. DOTr knew that Metro Manila and the rest of the regions will soon be transitioning to the new normal,” hinaing pa ni Binay.
"They knew that 30% of those in NCR will start going to work by June 1 — tapos ang idi-deploy eh truck ng libreng sakay which compromise and breach all health protocols particularly physical distancing,” saad ng senadora.
"Hindi po lahat ng pupunta sa trabaho eh sa EDSA o sa Commonwealth dumadaan. ‘Yung pagba-ban ng jeepneys sa kalsada ay unrealistic, anti-commuter at anti-worker,” wika pa nito. “Obviously, DOTr is favoring a certain segment of the mass transport sector, while ignoring and isolating the biggest public transport segment which the majority of the commuting public depend on,” sabi ni Binay.
“When you exclude the jeepneys from the equation, you also have abandoned 250,000 families — and their children are the ones who suffer the most,” dagdag pa niya.