top of page
Search
V. Reyes

SolGen Calida, rumesbak kay Coco Martin


Niresbakan ni Solicitor General Jose Calida ang Kapamilya actor na si Coco Martin kaugnay ng pagsisentimyento nito sa social media nang iutos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paglalabas ng cease and desist order laban sa broadcast network.

“If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words,” ani Calida.

Binanggit ni Calida ang mga naunang pahayag ni Martin na “Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.”

“Maraming maraming salamat Solicitor General Jose Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! Tinatarantado ninyo ang mga Pilipinas!” dagdag pa na pahayag ni Martin na tinukoy ni Calida.

“It appears that he feels he can solve the problems the same way as he solves them on screen, with macho bluster and bravado,” ayon kay Calida.

Sa kanyang pagdalo sa joint hearing ng committees on Legislative Franchises at Good Government and Public Accountability kaugnay ng inihihirit na prangkisa para sa ABS-CBN, sinabi rin ni Calida na ginamit ng ilang celebrities ng ABS-CBN ang kanilang impluwensiya para guluhin ang mga isyu laban sa broadcast network at humakot ng suporta ng publiko para rito.

“Stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceived to be oppression on the part of the government. In desperation, they would want to use they influence over their multitudes of fans to muddle the issue and drum up support for their network,” diin pa ni Calida.

Hirit ng kongresista... Walang nagdidikta para kontrahin ang ABS-CBN

Itinanggi ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta na may nagkumpas sa kanila para kontrahin ang pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN Corporation.

Ayon kay Marcoleta, ang tumatayong kinatawan ng mga tutol sa ABS-CBN franchise renewal, kahit si Speaker Alan Peter Cayetano ay hindi nagkumpas o nagdidikta sa kanila ng mga dapat panindigan.

Nauna rito, sa joint hearing ng Legislative Franchises at Good Government committees ay isa-isang nagbigay ng kanilang sponsorship speech ang mga kongresista na nagtutulak na mabigyan ng prangkisa ang network.

Iginiit din ni Marcoleta na hindi pinuwersa ang ABS-CBN na magsara kundi kusa itong nagsara matapos magpalabas ng cease and desist order ang NTC at sana ay nilabanan aniya ng network ang kautusan sa legal na paraan.

ABS-CBN dumipensa

Iginiit ni Carlo Katigbak, ang presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation na isang Pilipino si Gabby Lopez na unang nag-may-ari ng ABS-CBN.

Hindi rin aniya isinuko ng Pamilya Lopez ang pagmamay-ari ng ABS-CBN at hindi ito ibinenta sa iba.

Inimbitahan naman si Lopez para magpaliwanag sa mga kongresista kaugnay ng isyu ng kanyang citizenship.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page