Nitz Miralles / Bida
May matinding buwelta si Solicitor General Jose Calida kay Coco Martin at sa iba pang Kapamilya stars na naglabas ng kani-kanilang saloobin sa social media sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN nu'ng May 5.
Sa kanyang opening statement sa ginanap na hearing kahapon sa Senado kaugnay ng renewal of franchise ng ABS-CBN, tinira ng SolGen ang mga artista ng Dos, partikular na si Coco Martin dahil sa pagiging emosyonal nito at pagsasalita ng laban sa gobyerno.
Bukod kay Coco, matatandaang nagsalita rin sina Kim Chiu, Angel Locsin, Judy Ann Santos at iba pang Kapamilya stars.
Parte ng pahayag niya, “For the past few days ever since ABS-CBN supposedly went off the air, their stars and celebrities have taken to social media to rail against what they perceive to be oppression on the part of the government."
Sinabi rin niyang desperado na ang mga ito na maibalik ang ABS-CBN sa pag-ere kaya ginagamit ang kasikatan para magpaawa at makakuha ng simpatya sa kani-kanilang mga fans na suportahan ang network.
Special mention din ni Calida si Coco na nagsabi raw sa kanya sa #LabanKapamilya Facebook Live ng… "Kapag ang pamilya ko, kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako nang patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako.'"
May sagot din si Calida sa hirit ni Coco na tinatarantado ng SolGen at ng NTC ang mga Pilipino sa pagpapasara sa ABS-CBN dahil hindi nakapag-renew ng prangkisa, pero nag-sorry din ang aktor pagkatapos sabihin 'yun.
Resbak niya sa bida ng Ang Probinsyano, “He feels that he can solve problems the same way as he solves them on screen with macho bluster and bravado.
"Coco Martin’s outburst showed a clear lack of understanding of the situation.”
Pahabol pa ni Calida, “If I had not been the Solicitor General, I would have called his bluff and make him eat his words.”
Hintayin natin kung mapagri-react pa ni SolGen Calida si Coco dahil sa mga banat niya sa aktor at sa iba pang Kapamilya stars.