top of page
Search
Maestro Honorio Ong

Pagiging lider, swak sa year of the snake dahil kayang solusyunan ang lahat ng problema


Bulgar Horoscope

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Snake ngayong Year of the Metal Rat.

Ang Snake o ahas ay ang ika-anim sa 12 animal signs ng Chinese Astrology at kung ikaw ay isinilang noong 1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001 at 2013, ikaw ay mapabibilang sa mga taong pinaghaharian ng impluwensiya ng animal sign na Snake.

Bagama’t kilala sa pagiging malihim at misteryoso, ang isa pang kahanga-hanga sa personalidad ng Ahas ay ang malakas na sex appeal. Sabi nga, sa sandaling pumasok na sa isang silid ang Ahas, hindi uubrang hindi siya mapansin ng lahat ng taong naroon at hindi lang siya basta mapapansin dahil lihim din siyang hahangaan ng mga nakakita sa kanya. Dahil sa kakaibang magnetismong ito, hindi niya alam na maraming naghahangad na makasama siya kahit sandaling oras o panahon lamang. Gayundin, sinasabing ang isa sa pinakamagandang career para sa Ahas ay ang maging politician o lider ng religious cult o congregation na magpapastol, aakay o gagabay sa grupo ng taong naghahangad ng kaligtasan at kapayapaan sa magulong mundong ito.

Dagdag pa rito, dahil ang Ahas ay likas na magaling na lider, may kakayahan din siyang malagpasan hanggang sa tuluyang maresolba ang kahit anong balakid na dumarating sa kanyang buhay at pamilya. Kaya anumang dumating hamon sa kanyang kongregasyon, pamilya, grupo o samahan na pinamumunuan, tiyak na ito ay kanyang masosolusyunan upang muling sumigla at lumago ang samahan.

Bukod sa pagiging mahusay na politiko at religious leader, tugma at bagay din sa Ahas ang pagiging artist. Sa sobrang lakas ng kanyang intuition o pandama sa likhang sining, mas naa-appreciate niya ang lalim at ganda ng isang obra-maestra. Dahil sa sensitibong pagkataong ito, karamihan sa mga Ahas ay nakalilikha rin ng kakaiba at kahanga-hanghangang likhang sining nang hindi niya sinasadya, lalo na sa larangan ng pagsusulat ng maikling kuwento, nobela, tula atbp. Puwede rin sa kanya ang pagpipinta at iba pang ginagamitan ng kulay at kurbada. Kaya naman ang pagigiging manunulat at visual arts ay tugmang-tugma rin sa Ahas.

Sa aspetong pandamdamin, suwetung-suweto naman sa Snake ang kasabihang “Kapag tahimik ang tubig sa ilog, asahan mong ito ay sobrang lalim.” Totoo ito dahil malalim ang pagkatao ng Ahas, mahirap talagang maarok kung ano ang kanyang binabalak at iniisip, ganundin sa pag-ibig, mahirap maarok ang gusto niya sa babae o lalaki.

Bagama’t masarap magmahal at mahalin, bihira sa Ahas na makatsambang makaranas ng maligaya at panghabambuhay na pag-ibig dahil ang tipikal nilang nararansan ay “masarap, kapana-panabik at nakakikilig pero maikli o saglit na pag-ibig,” Marami ang gumawa, sumulat at kumanta ng popular song na “Isang Linggong Pag-ibig” ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Snake.

Maaaring maitanong mo kung bakit bihirang makatagpo ng mahaba at pangmatagalang pag-ibig o pakikipagrelasyon ang Snake? Sakto ang sagot dahil ang isa pang ugali ng Ahas sa panahong siya ay umiibig at nagmamahal ay hindi niya ito gaanong ibinubuhos, kumbaga, lagi siyang may reserbasyon o sa kaibuturan ng kanyang pagkatao, lagi siyang may pag-aalinlangan. Ang nangyayari tuloy, hindi nararamdaman ng kanyang kapareha ang genuine na pagmamahal. Ibig sabihin, sa panahong nakikipagrelayson ang Ahas, napakatagal bago niya pakawalan ang solido at 100% na pag-ibig sa kanyang karelasyon o napupusuan.

Dagdag pa rito, dahil may kakaiba at misteryosong pagkatao ang Ahas, kadalasan ay hindi mo rin siya mauunawaan kapag siya ay nagmamahal. Minsan ay napakalambing, pero minsan naman ay mararamdaman mong tine-taken for granted ka niya o parang binabalewala ka. Minsan kasi, hindi mapigilan ng Ahas na umiiral ang kanyang pagiging makasarili despite na ayaw niyang mangyari ang ganu’n dahil mas gusto niyang ipakita na mahal niya ang kanyang karelasyon, kaya lang, sa dulo ng pagpapasya, ang totoo niyang pinoproteksiyunan ay ang kanyang sarili.

Samantala, ang isa pang napakagandang katangian ng Snake kung sakaling siya ay makarerelasyon o magiging kaibigan ay ang husay at galing niyang magpayo. Dahil likas na matalino at malalim ang kaalaman, kapag sinunod mo ang kanyang payo, ito maghahatid sa iyo ng kalutasan ng iyong problema at magdudulot ng tagumpay at ligaya sa anumang hinaharap. Kaya masasabing mapalad ang tao na hihingi ng payo sa Ahas dahil tiyak na ang ipagkakaloob na advice sa iyo ay bukod sa tama at effective, tiyak na mapakikinabangan upang lalo pa siyang magtagumpay at lumigaya.

Sa pakikipagrelasyon, tugma naman sa Snake at kapwa niya praktikal at materyosong Ox at Rooster. Sobrang ligaya at lalim ang mararamdaman ng Ahas sa kapwa niya may pagka-misteryoso tulad ng Dragon. Bukod sa Dragon, Baka at Tandang, tugma rin sa Snake ang tahimik na Tupa at ang mapagmahal at malambing na Kuneho.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page