top of page
Search
Vinia Vivar

BF, mas mahina raw sa kanya… DAHILAN NG DEPRESYON NI XIAN, IBINULGAR NI KIM

Sa mga panahong may pinagdaraanan si Kim Chiu sa mga bashers because of the “classroom” statement, isa sa mga nagbigay ng lakas ng loob sa kanya ay ang boyfriend niyang si Xian Lim.

“Tumatawag naman siya parati,” kuwento ni Kim sa Love Thy Chika na bagong online show ni Ruffa Gutierrez, “as in, parang ‘yun na yata ‘yung pinakamaraming tawag ko sa kanya.”

Deskripsiyon ni Kim, para raw sponge si Xian dahil nalilipat sa boyfriend ang problema niya.

“Para siyang sponge, eh. 'Pag may problema ako, nalilipat sa kanya, tapos siya ‘yung nagkaka-anxiety,” natatawang sabi ng aktres.

“So, buti na lang, lagi ko siyang kausap, lagi kaming magkakuwentuhan and ina-advise niya rin ako. Kasi siya rin, binash din siya dati ng mga tao, as in super din, na parang na-depressed siya na hindi niya maintindihan,” sey pa niya.

Pero kung dati ay iyak nang iyak si Kim dahil sa walang patumanggang pamba-bash sa kanya, ngayon ay very thankful siya dahil nga na-turn niya into positive ang pagkakamali niya sa pamamagitan ng pagri-release ng The Classroom Song na hit na hit ngayon.

“Ang daming nag-a-unfold na mga opportunities because of this “bawal lumabas” bashing turned to something bright and sunny.

“Nalungkot lang ako 'coz people are really putting you down. Sa dami ng sinabi sa one hour and 30 minutes na kuda namin doon sa live video na ‘yun (sa Laban Kapamilya Facebook Live event last May), isang mali lang, bobo ka na your entire life, tanga ka na your entire life,” she said.

May isa pa raw na inaayos na proyekto for Kim pero ayaw pa niyang sabihin ang detalye.

“Inaayos pa siya, pero sobra, hindi ko in-expect na aabot ako ru’n,” sambit niya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page