KATANUNGAN
Three years na kami ng boyfriend ko at naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung siya na ang makatutuluyan ko?
Tapos na ako ng kursong accountancy at nagse-self study muna ako hanggang may Covid-19. Sakaling kukuha ako ng CPA board exam next year, makakapasa kaya ako?
Matagal n’yo na kaming tagasubaybay, since elementary pa lang ako, kaya gusto ko ring malaman kung ano ang mangyayari sa future ko at career na napili ko?
KASAGUTAN
Iisa lang ang namataang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung three years na kayong nagmamahalan ng boyfriend mo at nagkataong Aquarius ang zodiac sign niya habang ikaw naman ay Libra, tiyak ang magaganap – kayo ang magkatutuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Habang ang tuwid at magandang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing siguradong makakapasa ka sa board exam at magkakaroon ng magandang career, sapagkat ang nasabing Fate Line na tuwid at maganda (arrow b.) ay madali namang nakarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow c.). Tanda na sa kursong accountancy, tulad ng iyong inaasahan, magtatagumpay at magkakaroon ka ng maunlad career sa susunod na mga dalawa hanggang tatlong taon.
Ang pag-aanalisang makakapasa ka sa CPA board exam ay muli at madali namang kinumpirma ng Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow d.) na nakatuntong sa Bundok ng Katuparan (arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na isang kuha lang ng exam, walang mintis ay makakapasa ka.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Karen, ang kasalukuyan mo nang boyfriend ang nakatakda mong makatuluyan at ang pag-aasawang nabanggit ay tinatayang magaganap sa 2024. Subalit bago maganap ang nasabing pag-aasawa, makakapasa ka muna sa board exam hanggang sa magkaroon ng matagumpay na career sa isang sangay ng ating pamahalaan, na nakatakda namang mangyari sa 2022 sa edad mong 25 pataas.