top of page
Search
Jersy Sanchez

Alamin: Rason kung bakit okay lang na i-give up ang mga pangarap


Habang nakulong tayo sa bahay dahil sa lockdown, marami sa atin ang nag-reflect o pinag-isipan kung dapat pang ipagpatuloy ang nasimulang laban para sa mga pangarap.

Nar’yan ang mga tanong na “Worth it pa ba?” “Kaya ko pa ba?” Marahil, may ilan sa ating nawalan ng motibasyon sa buhay o dumaranas ng mid-life crisis kaya naaapektuhan ang mga bagay na ito.

Nakakatakot mang sagutin ang mga tanong na ito, mga besh, narito ang ilang dahilan kung bakit okay lang na i-give up ang mga pangarap:

1. MAGING MATAPANG. Kung “feeling stuck” ka pagdating sa pag-abot ng iyong mga pangarap, ang unang hakbang para maunawaan ito ang pinaka-nakakatakot dahil hindi madali na gawin ang mga bagay sa ibang paraan. Pero kung gusto mong magkaroon ng buhay na iba sa nakikita mo, kailangan mong hayaan ang iyong sarili na gawin ang mga bagay-bagay sa ibang paraan. ‘Wag mong sayangin ang pagkakataon at ilabas mo ang tapang mo. Gayunman, kung hindi ka komportable at alam mong nararamdaman mo ‘yun dahil hindi ka tapat sa sarili mo, kailangan mong maging matapang para sa iyong “future version” kahit nakakatakot ito.

2. JOURNEY MO ‘YAN. Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa mga nauna sa iyo. Gayundin, ‘wag mong isipin imposible ang mga gusto mo dahil walang tiwala ang ibang tao rito. ‘Wag na ‘wag mong sabihin na failure ka dahil iba ang kinatatayuan mo ngayon kumpara sa iyong mga kaibigan o idolo. Tandaan mo, hindi ‘yan mahalaga dahil ang ginagawa mo ngayon ay para sa ikasasaya mo at hindi para sa ibang tao.

3. ‘WAG MAGMADALI. Nasa henerasyon tayo na niro-romanticize ang hustle o pagmamadali pagdating sa career at success, pero kung tutuusin, wala namang point ang pagmamadali dahil kung hindi mo mae-enjoy ang process, hindi ito magiging fulfilling. Mga bes, oks lang mag-slow down. Take your time dahil hindi mo kailangang madaliin ang pagkilala sa iyong sarili. Hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit at magbago ng isip, gayundin, okay lang na i-give up ang mga bagay na hindi mo talaga gusto.

4. ‘WAG TANGGAPIN ANG REJECTION. Kung may nagsaradong pintuan para sa ‘yo, ‘di ibig sabihin nu’n na susuko ka na. Ipagpatuloy mo ang pag-pursue, pagkatuto at pagkilala sa iyong sarili sa industriya o mga bagay na nagi-inspire sa iyo. ‘Ika nga, if you cannot convince someone to open a door for you, open your own doors.

5. KAILANGAN KA NG MUNDO. Mga bes, laban lang nang laban para sa pangarap kahit umabot sa punto na kailangan itong palitan dahil kailangan ng mundo ang iyong pagiging unique, talent at ang iyong isipan. May kakayahan kang gumawa ng magagandang bagay habang nabubuhay ka. ‘Wag mong hayaan na pigilan ka ng self-doubt, roadblocks para ipakita sa mundo ang kakayahan mo.

Mahaba-habang pag-iisip at pagdedesisyon ang kailangan bago natin sabihing suko na talaga tayo. Hindi madaling isuko ang pangarap, lalo na kung malayo na ang iyong nararating, pero para sa mga beshies natin d’yan na struggling at feeling stuck, make sure na isasabuhay ninyo ang mga bagay na ito. Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page