Kung minsan, ang paghingi ng tawad sa kapwa ay parang napakahirap na bagay sa isang tao. Marami ang sobrang namamayani ang taas ng ego at pakiramdam nila na kapag nag-apologize o humingi ng tawad ay liliit ang tingin niya sa kanyang sarili. Ganito ang kaso na nararamdaman lalo na ng mga lalaki dahil sila ang may karakter na sobrang sensitibo at iniisip niya na parang nakababawas ng pagkalalaki kapag ginawa niya ang paghingi ng sorry.
Upang maging sinsero ang paghingi ng tawad dahil nakasakit ka sa isang tao, heto ang dapat mong gawin:
1. NAGKAMALI KA. Akala mo lang hindi, pero nagawa mo na. Pero kung nasa punto ka na sa tingin mo ay hindi ganu’n kalaki ang kasalanan mo at nago-overreact lang ang tao o alam mong hindi naman gayun kabigat ang nagawa mo sa kanya, na kung tutuusin ay mas malaki ang nagawa niyang kasalanan sa ‘yo, magmuni-muni ka muna hanggang matanggap mo na.
2. UNAWAIN KUNG BAKIT KA NAGSO-SORRY. Mahalagang mag-apologize sa tamang rason. Kung sinabi ni misis na roon ka sa sala matulog, huwag kang magagalit. “Sorry na, puwede, sobra ka na!” tapos sasabayan mo pa ng dabog at sigaw. Hindi ganyan ang paghingi ng tawad. Ayusin ang paghingi ng sorry. Dumaraan pa ang maraming taon bago ka nagso-sorry, kaya sa huli mo lang mauunawaan na mali ang ginawa mo.
3. HANDA KA NA BANG MAG-APOLOGIZE? Alam mong nakaiinis ang iyong sinabi, pero huwag kang mag-sorry kung hindi mo ito nagagawa nang sinsero. Huwag lang basta mag-apologize dahil ayaw mong manatiling galit sa ‘yo ang tao. Hindi mo ito gagawin dahil gusto mong manatili ang inyong samahan. Huwag kang mag-apologize dahil “nahuli” ka. Mag-apologize ka kung talagang handa ka nang mag-sorry dahil sinsero ka at para na rin maghilom ang sama ng loob ng ibang tao.
4. HUWAG BASTA MAGSABI NG I’M SORRY. Kung handa ka nang mag-apologize, pinakamainam na may kasama ring paliwanag kung bakit ka nagso-sorry. Patunayan mo sa ibang tao ang naramdaman mo sa iyong ginawa. Simpleng tulad ng, “Sorry, hindi ko agad nailabas ang basura, kahit na ilang beses ka nang nakiusap sa akin,” o kaya ay paliwanag na, “Sorry dahil hindi kita pinakikinggan at binabara kita kahit hindi ka pa tapos magsalita.”
5. HUWAG MAG-SORRY NG SARKASTIKO. Tulad ng “Okey, I’m sorry nagkamali ako at hindi ko kayang sakyan ang mga gusto mo, sorry at ipinanganak pa ako at pinakamasamang tao sa mundo,” dahil lalong lalala ang sitwasyon. Mas puwedeng sabihin na, “Alam kong nagalit ka dahil hindi kita nabigyan ng form ng DOLE at ng DSWD kahit na alam kong kaibigan kita rito sa ating barangay,” o kaya ay “Alam kong napagod ka sa pagluluto ng inihanda mong hapunan at nasaktan ka dahil nasabi ko pang walang lasa ang niluto mo.”
6. IPALIWANAG HINDI MO NA UULITIN. Pero huwag mangangako nang hindi natutupad o hindi totoo. Kung nahuli kang nakikipag-chat sa ibang babae, huwag sabihin na “I’m sorry, hindi ko na kakausapin ang babaeng ‘yun.” Walang maniniwala, bagkus, mas magandang sabihin na, “Handa akong magpa-counsel at gagawin ang nararapat para manatili ang tiwala mo sa akin.”