top of page
Search

Pinupuntahan pa raw siya sa bahay… KATHRYN, IBINULGAR KUNG PAANO SIYA NAKUHA NI DANIEL

Julie Bonifacio

Inamin ni Daniel Padilla na nagkikita pa rin sila ni Kathryn Bernardo sa gitna ng covid-19 pandemic.

Sa loob ng dalawa at kalahating buwan ng lockdown, ‘di natiis ni Daniel na ‘di makita si Kathryn nang personal.

Sa magkasabay na interview kina Kathryn at Daniel sa I Feel U digital talk show ng Star Cinema hosted by Toni Gonzaga with her guest co-host na si Alex Gonzaga, tinanong ang real-and-reel love team kung paano nila natiis ang isa’t isa na hindi magkita for two-and-a-half months.

“Uh, hindi naman,” bungad ni Daniel. “Nagkikita-kita naman kami paminsan-minsan. Kapag ako ang nagdadala ng mga supply sa bahay niya.”

Siya raw muna ang personal driver at boy nina Kathryn sa bahay nila during the lockdown.

Excited namang ibinalita nina Kathryn at Daniel na malapit na ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang magkasintahan. At sa I Feel U ay muli nilang binalikan kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

“‘Yung pinakauna talaga kaming nagkita, sa Showtime, pero hindi pa kami formally na-introduce talaga. Nagkita lang kami. Sumasayaw pa si DJ noon. Kasama niya ‘yung Gimik cast. Tapos, kasama ko noon, sino ba? Si John Manalo pa noon. Pero ‘yung finally, nag-meet kami, ‘yun na ‘yung ikina-cast siya for Growing Up na,” kuwento ni Kathryn.

Nagsimula raw ma-develop ang feelings nila para sa isa’t isa when they started working together.

“Siyempre, kapag araw-araw mong kasama ‘yung tao, may hidden ano na ako sa kanya, hidden na pagtingin. So, eventually, you look forward. Ganoon na ‘yung iniisip katrabaho, looking forward ka na. Makakapanligaw ka na naman. Alam mo ‘yun,” lahad ni Daniel.

Kaya ‘pag pupunta raw siya sa trabaho, kasama na rin ‘yung excitement niya sa kung ano ang mangyayari sa kanila ni Kathryn sa taping.

Tinanong naman ni Alex si Kathryn kung kailan niya naisip na seryosohan na ang relasyon nila ni Daniel.

“Uh, naramdaman ko ‘yun noong naging consistent siya sa pagpunta sa bahay. As in, old school.

Niligawan din (niya) si Mama. Tapos, uh, tuluy-tuloy ‘yun. Parang one year siya na uhm, nararamdaman mo na sincere ‘yung tao. So, ‘yun. Tinanong ko si Mama, mukhang okey naman sa kanya,” sagot ni Kathryn.

Follow-up ni Alex kay Kathryn, kung nagsabi ba sa kanya si Daniel ng ganito, “Will you be my girlfriend?”

“May ganoon ba? Ay, nagtanong kasi si DJ noon. Hindi ko siya agad sinagot. Tapos, nu’ng biglang sa tingin ko, okey na siya, ‘Yes na.’ ‘Yun na ‘yung naging sagot ko. Tapos, sabi niya, ‘Yuck!’ Sabi ko, ‘Okey na.’ So, ‘yun lang. Doon na nag-start. ‘Yun na ‘yung sagot ko ru’n. Pagka-pack-up ng taping namin.

Hahaha!”

Habang si Daniel naman daw, isinikreto muna ang pagsagot sa kanya ni Kathryn, kahit sa kanyang Momshie Karla Estrada ay hindi niya sinabi agad.

“Hindi ko sinabi. Inangkin ko muna. Parang hindi ko naman officially nasabi dahil naiilang ako. Kaya hindi pa niya talaga alam,” sabay tawa ni Daniel.

When asked kung paano naman napa-yes si Kathryn kay Daniel, kyut ang kuwento niya.

“Grabe,” natatawang sagot ni Kathryn. “‘Pag niligawan ka ni DJ, mararamdaman mo talaga. Ipapa-feel niya sa ‘yo na ikaw ‘yung pinakaespesyal na babae sa kanya. Makikita mo kung paano ka alagaan ‘pag sa taping. Tapos, parati siyang nagte-text. Consistent siya d’yan. So, isa ‘yun. Nararamdaman ko kung gaano siya ka-caring.”

Kaya naman pala ang haba-haba ng hair ni Kathryn sa pagkakaroon ng dyowang katulad ni DJ.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page