top of page
Search
A. Servinio

Pagbabalik ng football game dadahan-dahanin muna ang laro


Unti-unti nang bumabalik ang Football bilang patunay ng tagumpay ng mga bansa kontra COVID-19 at hindi malayo na sumama ang Pilipinas sa selebrasyon. Pinag-aaralan ng mabuti ng Philippine Football Federation na buksan ang 2020 Qatar Airways Philippines Football League (PFL) ngayong Hulyo.

Ayon kay Mariano Araneta, ang presidente ng PFF, isa sa kanilang panukala ay gawin ang lahat ng mga laro sa National Football Training Center sa Carmona, Cavite.

Ang mga karaniwang ginaganapan ng mga laro tulad ng Rizal Memorial Stadium at Binan Football Stadium ay nasa tabi ng mga gym na ginawang mga quarantine facility kaya delikado ito.

Bilang paghahanda, titingnan ng PFF at PFL ang mga modelo o karanasan ng ibang liga sa ibayong dagat. Subalit ang huling pasya ay nasa pambansa at lokal na pamahalaan kung papayagan silang maglaro.

Dahil gahol sa panahon, maaring paiigsian ang liga. Maaring hindi rin muna matuloy ang 2020 Copa Paulino Alcantara Cup.

Sa mga kapitbahay sa Timog Silangang Asya, nagsimula na ngayong linggo ang aksyon sa Bamboo Airways National Cup sa Vietnam at susundan ito ng V League One sa Hunyo.

Sa mga darating na linggo ay sisimulan muli ang naudlot na Metfone C League One ng Cambodia, Toyota Thai League One at CIMB Bank Liga Super Malaysia.

Anim na koponan ang kalahok sa PFL sa pangunguna ng defending champion Ceres Negros, Kaya Iloilo, Stallion Laguna, Global, Mendiola 1991 at Azkals Development Team.

Ang kampeon ay tutuloy agad sa group stages ng 2021 AFC Champions League laban sa mga bigating koponan ng Asya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page