top of page
Search
Nympha Miano-Ang

Pagba-bike, ‘di lang ehersisyo, nakakadagdag pa sa haba ng buhay


Aarangkada na ngayon ang lahat ng bikers sa Kamaynilaan para makasunod sa social distancing at makaiwas na rin na mag-commute. Malaking bagay ang pagbibisikleta sa kalusugan ng tao bukod sa paglalakad at iba pang uri ng mobility ng tao. Ngayong panahon ng pandemic, importanteng mapalakas ang ating katawan laban sa anumang sakit. Samantalahin na guys, na makapagpedal papunta sa inyong mga trabaho kung wala pang 5 kilometro ang layo ng patutunguhan upang walang hassle. Kahit noong unang panahon pa ay fashionable na ito at all-time favorite na ngayon ay magagawa mo na. Malaki pa ang pakinabang nito sa personal na lakad bukod sa naeehersisyo ang iyong katawan. Ayon sa pagsasaliksik, ang pagkakaroon ng intense at regular na ehersisyo sa pamamagitan ng pagba-bike ay limang beses na nakadaragdag o nakapagpapahaba ito ng buhay.

Base sa pag-aaral sa lifestyle ng cyclist ay humaba o nadagdagan ng pataas pang taon ang edad ng mga ito kumpara sa hindi nagbibisikleta. Mas importante rin ang bilis ng pagpepedal. Sa 20 taon na pag-aaral kasama rito ang pagmomonitor sa kalusugan ng 5,000 malusog na tao. Malaking porsiyento sa kanila ay nagba-bike bawat araw kasunod ng runners at mga naglalakad tuwing umaga kasama ang mga alagang aso. Ang lalaking cyclist ay nakaka-survived ng 5 taon kung mabilis pumedal. Habang may 3 taon naman ang kababaihan. Ang mga naglalakad naman ay 2 taon.

Malaki naman ang tsansa ng professional cyclist na tumibay ang resistensiya kahit sa kanilang pagtanda ay madali lang silang gumaling bagamat may matinding karamdaman. Ang naturang pag-aaral ay mula sa European Society of Cardiology Congress sa Paris kung saan hinihikayat ang marami na magkaroon ng regular na ehersisyo lalo na kung lifestyle na ang pagba-bike.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page