Simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Hunyo 1, wala nang liquor ban sa Parañaque.
Sa ilalim ng Executive Order No. 2020-041, ipinag-utos ni Mayor Edwin Olivares ang pag-alis sa suspensiyon para sa pagbebenta ng alak sa naturang lungsod.
Ito ay kasabay ng pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ).
Pinahihintulutan lamang ang pagbebenta ng alak sa nakatakdang oras, hindi rin maaaring bumili nang marami at bawal uminom pampublikong lugar.