top of page
Search
Sr. Socrates Magnus II

Katotohanan sa itinuturing na marumi at malinis na pagkain

Bigyang-daan natin ang ilang bagay na puwedeng isabuhay ngayon at pagkatapos ng COVID-19 pandemic.

Sa nakaraang artikulo, nabanggit natin na may Law on Health na ibinigay si God, partikular sa puwede at hindi puwedeng kainin. Ayon kay God, “malinis” o “clean” ang mga sinabi niyang puwedeng kainin, habang ang mga hindi puwedeng kainin ay “unclean” o maruruming pagkain. Kaya ang mga hindi puwedeng kainin ay tinawag din na “unfit for human consumption.”

Nakatutok ang marumi at malinis na pagkain sa mga hayop, kaya malinaw na sa pagkain ng mga karne ng hayop, puwede tayong magkasakit kapag hindi malinis ang hayop na ating kinain.

Kaya sa pagkain ng hayop, para tayong nakikipagsapalaran kung saan nakataya ang ating kalusugan dahil kahit ang hayop ay napabilang sa sinabi ni God na puwedeng kainin, puwede rin itong mapabilang sa “unclean” kapag mali ang pagpatay o pagkatay, gayundin ang preperasyon bago iluto o kainin.

Nakataya pa rin ang ating kalusugan o buhay sa pagkain ng karne, lalo na kung bibilhin lang ito sa palengke o kahit pa sa mall.

Pero sa pagkain ng mga gulay o pagkaing halaman, mas safe tayo, as in, hindi tayo nag-aalala na ang gulay o halaman ay inuri ni God na malinis.

Kung sabagay, wala namang pagtatalo dahil ang lahat ng dalubhasa sa science of nutrition ay nagsasabing mas magandang kumain ng gulay kaysa sa karne.

Ang totoo nga, dumarami na ang bilang ng mga doktor na vegetarian o ang mga taong ang kinakain ay mga halamang-pagkain at hindi sila kumakain ng anumang karne, kahit maliit na piraso.

Noon pa man, marami nang vegetarian, lalo na ang mga tinatawag na “yogi”. Ang yogi ay mga taong nagpa-practice ng arts and science of yoga at silang lahat ay vegetarian.

Minsan, may maririnig ka na ang sabi, siya ay yogi at isinasabuhay niya ang karunungan ng yoga, pero kumain pa rin siya ng karne. Ang taong ito ay hindi tunay na yogi dahil sumakay lang siya sa kasikatan ng yoga at siyempre, nang dahil sa pera.

Hindi tayo dapat madala dahil muli, ang lahat ng yogi ay vegetarian at ang lahat ng vegetarian ay hindi kumakain ng anumang karne ng hayop.

Kahit sa kasaysayan ng Kristiyano, noon pa man ay isinasabuhay ng mga tunay na alagad ni God ang pagkain ng mga gulay. Ang totoo, kinikilala sa mundo ng Kristiyanismo si Daniel at siya ay may tatlong kaibigan.

Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay hindi kumakain ng anumang klase ng karne ng hayop at gulay lang ang kanilang kinakain.

Ayon sa nasusulat, silang magkakaibigan ay dinala sa isang malaking arena at pinakawalan ng hari ang mababangis at gutom na gutom na leon. Nagsisigaw ang mga tao habang malakas ang halakhak ng hari at ang inisip nila ay lalamunin ng mga leon ang magkakaibigan.

Nabigo ang akala ng mga tao. Ang arena ay napuno ng nakabibinging katahimikan dahil hindi kinain ng mga leon si Daniel at ang kanyang mga kaibigan.

Itutuloy

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page