top of page
Search
Jersy Sanchez

‘Di lang pagligo ang solusyon... Tips para manatiling fresh ngayong summer

“Ang ineeeet!” Ngayong tag-init, wala na tayong bukambibig kundi ang mga salitang ito. Agree? Tipong katatapos mo lang maligo at hindi ka pa nakalalabas ng banyo, pero tumatagaktak na naman ‘yung pawis mo. Hay, naku!

Pero don’t worry dahil we got you, beshy! Worry no more dahil bukod sa paliligo, narito na ang ilang bagay na puwede ninyong gawin para manatiling fresh all day:

1. HEALTHY DIET. Sabi nga, “You are what you eat,” at true ito, mga beshy. Sey ng experts, ang dina-digest ng ating katawan ay may malaking impact sa natural na amoy ng katawan. Bagama’t oks kainin ang curry, bawang at sibuyas, kapag hindi kontrolado ang pagkain nito, posibleng lumabas ang hindi kaaya-ayang amoy sa pores o hininga na puwedeng magtagal sa katawan. Ang isa pang paraan para mapaganda ang natural scent, bawasan ang pagkain ng processed at junk food at sa halip, idagdag sa diyeta ang mga prutas at leafy greens.

2. SCENTED BODY WASH. Isa sa mga paraan para ma-achieve ang amoy bagong ligo ay ang mga ginagamit na produkto sa pagligo. Para rito, puwede kayong gumamit ng scented body wash na epektib para sa iyong feeling refreshed and moisturized.

3. GUMAMIT NG DEODORANT. Minsan, dedma tayo rito dahil feeling natin ay ‘di naman kailangan, pero aminin, may mga time na naaamoy natin ang ating sarili, pero don’t worry dahil normal ito. Pagkatapos maligo, gumamit ng deodorant para maiwasan ang B.O, lalo na kapag sobrang init ng panahon.

4. PERFUME-INFUSED DETERGENT PRODUCTS. Alam n’yo ba na may epekto rin ang mga produktong ginagamit natin sa paglalaba ng mga damit? Yes, beshy, kaya naman subukan ninyong gumamit ng perfume-infused detergent para manatiling mabango ang suot na damit kahit pagpawisan o mainit.

5. FRAGRANT BODY OIL. Kung medyo may budget ka, epektib din ang pag-apply ng scented body oil pagkatapos maligo para sa easy absorption.

6. HAIR MIST. Naalala mo pa ba ‘yung amoy ng buhok mo pagkatapos ninyong mag-samgyupsal? Epektib ang hair mist para ma-refresh ang iyong buhok nang hindi kinakailangan maligo ulit.

Madali lang, ‘di ba? For sure, may ilang paraan na epektib sa inyo at habang mainit pa ang panahon, try n’yo na! Make sure na ibabahagi ninyo ang ilang tips na ito kina nanay, ate at beshies para fresh ang lahat sa mga susunod na araw. Kuha mo?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page