Naitala ang magnitude 5.6 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental, ngayong gabi, Mayo 30.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan nito na naitala alas-9:06 ng gabi.
Kaugnay nito, naramdaman ang Intensity I sa Alabel, Malungon at Kiamba, Sarangani; at Tupi, South Cotabato.
Unang naitalang nasa magnitude 5.4 ang lindol pero itinaas sa magnitude 5.6.