top of page
Search
Socrates Magnus

Kahulugan ng humiwalay ang kaluluwa sa katawan

Salaminin natin ang panaginip ni Elena Jocson na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Elena Jocson

Sa iyo Elena Jocson,

Ang nararanasan ng tao na humihiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan ay isang posibilidad. Ang reyalidad na ito ay pinagtibay ng nasusulat sa Sagradong Aklat na, “Ang salita ni God ay mas matalim pa sa sandata na may kakayahang paghiwalayin ang kaluluwa at kasukasuan,” ang “kasukasuan” ay katawan.

Kaya malinaw na puwede talagang magkahiwalay ang katawan at kaluluwa kaya lang, may ilang nakatagong katotohanan.

Una, sobrang sakit ang madarama ng tao kapag nagkahiwalay ang kanyang katawan at kaluluwa dahil ang sabi, parang hihiwain ng matalim na sandata. Ang isa pang katotohanan, hindi puwedeng basta-basta magkahiwalay ang kaluluwa at katawan dahil nangangailangan pa na makaranas ng sobrang sakit ang isang tao.

Sa tunay na karanasan, ang kuwento ng paghihiwalay ng katawan at kaluluwa ay paulit-ulit na maririnig sa mga taong nakaranas ng sobrang init ng katawan, tulad ng matinding trangkaso, hinimatay sa sakit, kombulsyon at iba pang karanasan na ang tao ay sobrang nahirapan at nasaktan.

May pagkakataon na nagkahiwalay ang kaluluwa at katawan ng taong nakararanas ng matinding kalungkutan, mabibigat na problema sa buhay at gustong takasan ang reyalidad, sila ay kasama sa sinasabing sobrang nasaktan at nahirapan.

Sa ganitong sitwasyon, ang mga kuwento na nagkahiwalay ang kaluluwa at katawan minsan ay akala lang ng nagkukuwento dahil may isa pang katotohanan tungkol sa hiwaga ng indibiduwal. Ang kanyang katawang hindi nakikita ay may kakayahang maglakbay sa malayo, malapit, nakaraan, hinaharap pero ang ganito ay nagsasabing ang katawang hindi nakikita ay hindi naman nakahiwalay. Kumbaga, siya ay naglakbay lang at nakadugtong pa rin siya sa mismong katawan, as in, there is still a hidden mystical cord between the body and the soul.

Muli, suriin mo ang iyong naranasan at ibase mo sa mga katotohanang narito sa sagot hinggil sa iyong tanong tungkol sa panaginip mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page