top of page
Search
  • Nancy Binay

DepEd, dapat may creative measures para masigurong hindi maiiwan sa learning objectives ang mga mag-

Kung hindi dumating ang pandemikong dulot ng COVID-19, abala na sana sa paghahanda para sa pagbabalik-eskuwela ang mga pamilya.

Ngunit dahil sa kasalukuyang public health crisis, nagpasya ang Department of Education na gawing August 24 ang muling pagbubukas ng mga paaralan.

Gayunman, maraming sektor, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mambabatas, ang tutol sa pagpasok ng mga bata hangga’t hindi pa nakakahanap ng COVID-19 vaccine.

☻☻☻

Naiintindihan natin ang pangamba ng marami na i-expose sa banta ng COVID-19 ang mga kabataan sa muling pagbukas ng mga paaralan.

Bilang mother of four, ako man ay natatakot dahil napakaraming unknown factors ang hinaharap natin sa new normal.

Anuman ang maging pasya ng pamahalaan, kinakailangang balansehin ang iba’t ibang interes ng mga bata at maging ang mga guro at iba pang school personnel.

Kung tuloy na ipagpaliban lagpas sa August 24 ang school opening, dapat mag-implementa ang DepEd ng mga creative measures para masigurong hindi maiiwan sa learning objectives ang mga bata.

Lowest out of 79 countries ang bansa natin sa reading comprehension and second-lowest in mathematical and scientific literacy ayon sa Program for International Student Assessment na ginawa ng Organization for Economic Cooperation and Development.

Hindi lang dapat online learning ang maging moda, lalo pa at marami pa rin sa mga kababayan natin ang walang access sa maayos na internet o computer.

☻☻☻

Habang nasa extended vacation ang mga bata at karamihan ng mga magulang, mabuti na rin sigurong sulitin natin ang pagkakataon para maturuan ng life skills ang ating mga anak.

Pagluluto, pagtulong sa paglinis, pagtatanim, pagtutong gumamit ng musical instrument—ilan lang ito sa mga maraming bagay na malaki ang maiaambag sa overall growth ng mga bata.

This is a wonderful opportunity na matutukan ang kanilang maayos na paglaki at sana ay huwag natin itong sayangin.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page