top of page
Search
Madel Moratillo

Computer para sa 22 milyong estudyante sa buong bansa, 'di kaya — DepEd


Aminado ang Department of Education na wala silang sapat na computers para sa 22 milyong mag-aaral sa buong bansa.

Paliwanag ni DepEd Usec. Alain Pascua, kung 1 is 1 ang ratio ng paggamit ng computer ng mga estudyante ay hindi ito kakayanin ng kagawaran.

Batay aniya sa kanilang imbentaryo, nasa isang milyon pa lang ang computer ng DepEd sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Kung bawat isa ay dapat na mayroon, lumilitaw aniya na 22 milyong computer din ang kanilang kakailanganin.

Una nang sinabi ng DepEd na gagamit na sila ng online platforms sa pagtuturo sa mga estudyante sa gitna na rin ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.

Maliban sa online learning, may iba pa naman umanong pinag-aaralan ang DepEd upang maging paraan ng pag-aaral ng mga estudyante habang hindi pa natatapos ang pandemic.

Kabilang dito ang pagbibigay ng modules sa mga estudyante para sa kanilang pag-aaral.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page