Sisimulan na bukas, Mayo 27 ng Las Piñas City government ang pamamahagi ng pension sa kabuuang 7,182 na benepisyaryong senior citizens mula sa District 1 at 2 ng lungsod.
Ito ay matapos magbigay ang Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) ng kabuuang P38,502,000 pondo sa Las Piñas government at batay na rin sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ni Mayor Imelda 'Mel' Aguilar para sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Ang nasabing pondo ay nakalinya sa patuloy na implementasyon ng Social Pension for Indigent Senior Citizen Program na layong matiyak ang napapanahong paglalabas ng grants o payments sa mga benepisyaryo at pabilisin ang social pension sa pamamagitan ng direktang pagsali ng local government units (LGUs), Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) at people's organization sa city level.
Nabatid na ang lokal na pamahalaan ang may pangkalahatang responsibilidad sa wastong disposisyon at disbursement ng pondo para sa implementasyon ng social pension alinsunod sa umiiral na budgeting, accounting at auditing rules and regulation.
Base sa datos ng OSCA, nasa kabuuang 4,114 na kuwalipikadong senior citizens ang makatatanggap ng pension mula sa District 1 habang 3,068 iba pa sa District 2.
Saklaw ng matatanggap na pension ng mga benepisyaryo ang first at second semesters ng 2019 at 1st semester ng 2020.
Samantala, narito ang schedule ng pay-out:
Manuyo Uno Covered Court - May27
Pilar Village Sports Center - May 27
Ilaya Covered Court - May 28
Annex High School,Talon Kuatro - May 28
Periculture, Daniel Fajardo - May 29
Talon Singko Covered Court - May 29
Elias Aldana Barangay Hall - June 1
TS Cruz Covered Court, Barangay Almanza Dos - June 1
Pulanglupa Uno Elementary School - June 2
Almanza Uno Covered Court - June 2
Doña Julita Covered Court - June 3
Barangay Talon UnoCovered Court - June 3
Manuyo Dos Barangay Hall - June 4
Carmencita Village Covered Court,Talon Tres - June 4
Zapote Elementary School, Zapote - June 5
Bamboo Court BFRV, Talon Dos - June 5
CAA Auditorium, CAA/BF Int'l - June 9
Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres - June 10