![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_6eb76c1083024b2984d1fa099838cdd0~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_6eb76c1083024b2984d1fa099838cdd0~mv2.jpg)
PAPASOK sa bagong kabanata ng health protocols ang pagbabalik ng sports sa Amerika.
Magsisimula ang Top Rank ng mga laban sa Las Vegas sa Hunyo 9. Ayon sa Boxingscene.com isa itong closed-door event pero live na mapapanood sa ESPN+. Hinihintay pa sa ngayon ang approval ng Nevada Athletic Commission (NSAC) kasabay ng agenda hearing sa Miyerkules.
Sakaling ang live fight ay mapayagan, ito ang kauna-unahang boxing fight sa U.S. mula noong Marso.
“We should begin on or about June 9,” ayon kay Mark Kriegel na siyang host din ng mga throwback fights ni Mike Tyson. “Shakur Stevenson will fight at 130 pounds but will not give up his 126-pound title. He will see what the new weight feels like.”
Bilang bahagi ng testing protocol lalo na kung lalaban sa MGM o sa Las Vegas, isasalang muna ang boxer sa 4-6 na oras na COVID-19 rapid testing. “Once you test negative for the virus, you can come into the bubble. You do not leave that bubble without getting tested back in.”
Nabantilaw ang pakikipagsagupa sana ni Stevenson (13-0, 7 KOs) sa televised card noong Marso 14 sa Madison Square Garden sa New York dahil sa banta ng pandemic. Makakaharap niya si Felix Caraballo ng Puerto Rico (13-1-2, 9 KOs) na kailangan ding isalang sa testing at quarantine upang maging eligible na lumaban. Lahat ng mga palabas ay sarado pa sa live audience at tanging mga personnels lang ang pinapayagan sa loob ng arena.