top of page
Search
Govinda Jeremaya

Longan, pampatanggal ng lungkot at stress, pampalakas pa ng isip “Ang longan fruit”


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

Masyado ka na bang naaapektuhan ng utos na bawal lumabas ng bahay? Sobrang lungkot mo na ba at masasabing depressed ka, na kapag lumalala pa ay puwedeng mauwi sa matinding depresyon?

Huwag kang mag-alala, ang kasagutan sa matinding depresyon ay simple lang, kumain ka ng longan! Subukan mo ito at magugulat ka dahil sa ilang piraso pa lang ng longan, madarama mo agad na ang lungkot ay nawawala na.

Kumain ka pa nang kumain nito at muli, magugulat ka dahil hahanap-hanapin mo ang lungkot at hindi mo na ito makikita pa. Narito pa ang ilang benefits ng pagkain ng longan:

Nakababawas ng stress

Pampatanggal ng fatigue

Nagpapalakas ng isipan

Gayundin, gamit ang longan bilang:

Pampababa ng blood pressure

Pampalakas ng immune system

Pampababa ng blood sugar

Pampaganda ng blood circulation

Panggamot sa asthma Bukod pa rito, ang longan ay may mababang calories at carbs, gayundin, ito ay zero fat. Ang isang tasang longan ay may 17 calories at 5 grams ng carbs.

Dagdag pa rito, ang longan ay: Mayaman sa Vitamin C Magnesium Phosphorous Potassium Copper Manganese Niacin, Vitamin B-6 at folate Ngayon na ang halos lahat ng tao ay naapektuhan ng lockdown at humihina ang katawan at kalusugan, madali rin namang makahanap nito dahil ngayon din ang panahon ng longgan.

Kahit saang fruit stand, sure na may longan, kaya walang katwiran ang sinumang hindi kayang labanan ang pakiramdam na kalungkutan na sa totoo lang ay depresyon na rin naman ang kauuwian. Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page