Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“Bahay kubo kahit munti ang halaman dito ay sari-sari. Sa bahay kubo, hindi mainit, mas masarap manirahan dahil presko at ang bubong ay nipa hut.”
Lahat ay nakaaalam sa nipa hut dahil ito ang pambansang bubong. Kahit ang mga taga-siyudad ngayon ay nakakikita ng nipa hut dahil usung-uso ang bahay kubo kung saan ang mayayaman ay naglalagay na rin nito sa kanilang mga bakuran.
Hindi lang gamit sa bubong ang nipa plant dahil ito rin ay may mga pakinabang sa kalusugan at pinanggagalingan din ng mga sustansiya para sa malusog na katawan.
Anu-ano ang kayang gawin ng nipa plant?
Ang mura o young shoots ng nipa plant ay puwedeng kainin. Gayundin, mabango ang nipa plant shoot kaya ang tubig na pinagbabaran nito ay ginagamit na pampabango sa bahay.
Ang ubod ng nipa plant ay puwede rin kainin bilang masarap na ulam at pampagana sa pagkain. Kaya ito ay nagsisilbing panlunas sa mga taong nawalan ng panlasa at matindi ang sipon dahil may kakayahan itong ibalik ang panlasa ng tao.
Ang bunga ng sasa o nipa plant ay ginagawang bola-bola na malambot na ay matamis. Ito rin ay gamot sa mga taong tamad o ayaw magkakakain.
Narito naman ang tradisyunal na gamit ng sasa o nipa plant.
Kapag hinaluan ng coconut milk ang juice na mula sa murang dahon ay mabisang gamot sa herpes, sa mga sugat sa maseselang bahagi ng katawan at sugat na ayaw gumaling dahil pinamahayan na ng mga mikrobyo.
Ang abo ng sinunog na dahon ng sasa ay napakahusay laban sa sakit ng ngipin at ulo kung saan itatapal lang ito sa ulo at maglalaho na ang sakit nito.
Pampaputi naman ng ngipin ang abo ng nipa plant kapag hinaluan ng wood tar.
Ang pinaglagaan ng dahon ng sasa ay gamot sa ulcer na ayaw gumaling o pabalik-balik.
Mabilis na nawawala ang pamamaga ng mga kagat ng insekto, lalo ng kagat ng alupihan kapag pinunasan ng pinaglagaan ng dahon ng sasa.
Ang kawalang gana sa pagtatalik ay nalulunasan din ng pinakuluang sanga ng sasa. Kumbaga, naibabalik nito ang libido ng babae at lalaki.
Ang pinakasikat na produkto ng nipa plant ay ang vinegar o suka. Sinasabing ito ang pinakamasarap na suka sa buong Pilipinas. Pero hindi ang paglalarawan na ito ang pinakamasarap sa lahat ang pinakamiportante dahil ang the best gift of nipa plant para sa mga tao ay ang kakayahang malunasan ang diabetes gamit ang vinegar made from sasa o nipa.
Huwag natin isipin na mahirap hanapin ang sasa o nipa para magamit na lunas sa maraming sakit, dahil ang bubong ng bahay kubo ay ang mismong dahon ng sasa.
Hindi mo na kailangan pumunta sa probinsiya. Kumuha ka lang ng pawid sa bahay kubo, linisin o hugasan, saka pakuluan. Ito na mismo ang sinasabi sa itaas na pinaglagaan ng dahon ng sasa o nipa.
Good luck!